Bino: anu kya ang meron sa redhorse, sanmig, matador, at iba pang mga alak enoh?
bat gustong gusto natin yun..
Bogart: oo nga noh?mapait naman,
nakakalasing pa.
Bino: ewan, siguro parte nalang iyon ng pagtanda natin..
ang maka tikim ng mga bagay na hindi masyadong masarap sa panlasa natin, pero feeling natin, nasasarapan tayo..
naalala mo ba nung unang beses mong paginom?
Bogart: oo naman. hindi mo malaman kung panung reaksyon ng muka ang gusto mong gawin eh,. napapaitan ka, pero gusto mong ipakita sa mga barkada mo na nasarapan ka.
Bino: ako, nun una kong inom,
first year college na ako nun una kong tinnry yun eh,
Bogart: weh, hindi ka umiinom ng hyskul?
Bino: oo, mabait ako nun.. maniwala lka.
Bogart: wahaha!lumalaklak ka lang? haha
Bino: hindi talaga. haha! so ayun nga, nagkita kita kami ng mga klasmeyt ko nung hyskul sa isang berdey ng barkada.
naglabas sila ng alak. gusto ko din ipakita na astig din ako,
kumuha ako ng isang bote ng sanmig light at lumagok.
gusto kong idura sa pait.
pero nakakhiya naman,.
kaya naman nilunok ko nalang.
at pasimpleng uminom ng tubig. para syempre hindi nila mahalata na perstym kong uminom nun.
Bogart: nalasing ka naman dun?
Bino: waha! hindi naman ako nalasing nun.
kaya ok nadin.. hindi naman madami ang ininom ko nun eh,
Bogart: anu yun, kada lagok ng sanmig, iinom kadin ng tubig? haha!! chaser ang tubig..
Bino: panu mo nalaman? waha!! pabalik balik nga ko nun sa CR eh. hindi ko nga lang alam kung napansin nila yun. naglabas din pala sila ng redhorse nun.
Bogart: nakitagay ka naman?
Bino: oo syempre, parte yun ng pagpapanggap ko.haha!
Bogart: oh anung nangyari?
Bino: ayun, pag uwi ko, pinantal ako. haha! ewan ko kung pati ikaw ganun, nun unang inom ko kasi ng redhorse, pinantal ako sa katawan eh.
Bogart: ako hindi, bagsak lang ako agad nun. whaha!!!
Bino: Pero sa totoo lang, ang masarap kasi pag nakakinom tayo eh yung kwentuhan.
Bogart: oo nga! pag naka inom ka kasi, naikkwento mo lahat.
Binobogart: lahat ng kalokohan,
lahat ng parte ng pagiisip mo.
walang hiyaan..
walang plastikan..
haha!! adios!
Tungkol sa Amin...
- -binObogart-
- dalawang wirdong tao na mahilig mag blog ang nag sama para sa kanilang wirdong ideya. BINO-BOGART Si Bino-ang tall dark and handsoma na tao. sadyang napaka hirap ihalintulad sa ibang personalidad dahil subok na kakaiba. Si Bogart- kabaliktaran ni Bino pag dating s tangkad. intelektwal na tao., at sadyang mahirap makilanlan. hindi talaga nila masyado alam kung bakit naisip nila ang wirdong ito., gusto lamang nila magkaruon ng malupit na pangalan sa mundo ng blog. katulad ng iba pang mga personalidad. "hindi kami nanggagaya. naiinggit lang"
Maki sali sa usapan dito
Monday, February 22, 2010
TAGAY PA!!
Posted by -binObogart- at 10:37 PM 3 comments
Saturday, December 26, 2009
Sunday, December 6, 2009
gutom ka ba?
binobogart: ikaw ba ay gutom, at walang makainan?
Bino: o di kaya'y nagsasawa na sa mga normal na foodchain mong kinakainan.
Bogart: gusto mo ba ng bagong panlasa?
Bino: na paniguradong ikaw ay masisiyahan, at swak na swak sa budget...
BINOBOGART: ipinakikilala namin sa inyo, ang...
BINOBOGART: MAPAPAMURA KANA, MAPAPA "AHHHHH!" kapa sa sarap.. wahaha
Posted by -binObogart- at 1:43 PM 1 comments
Friday, December 4, 2009
Ayaw nila sa cellphone ko..

binobogart: pasko na naman,,
lumalamig na ang simoy ng hangin...
Bino: nagkalat nadin ang mga parol sa mga palengke,
Bogart: pati nadin ang mga mandurukot at holdaper.
Bino: nako, totoo yan, dapat talaga, ingat ingat lang sa byahe,
Bogart: lalo na ung sa mga alanganing oras ka nag papalaboy laboy sa daan.
Bino: nalala mo ba yung kinuwento ko syo dati?
Bogart: alin dun?
Bino:yung naholdap yung buong jeep na sinakyan ko..
Bogart:hindi na eh.
Bino:college tyo nun, december. madaming ginagawang kung anu-anong mga kaekekan,
kasama nadin dun ang parol making contest per department,
at mga kupal na mga feasibility studies na mistulang pasadyang isinasabay ng mga prof sa mga extra curricular activities..
pauwi ako, wala nang natirang pera sa bulsa kundi ang bente pesos ko, na mukang kailangang ipaabot ko pa kinabukasan para ipambaon ko..
mga alas nuebe na ata nun. pang gabi kasi ang sked ko.
normal naman ang takbo ng byahe,
mejo trapik lang sa bandang espanya.
ano nga naman bago sa espanya, lagi naman trapik dun.
lalo na byernes pa.
habang sa kalagitnaan ng byahe,
nasa bandang quezon avenue na kami,
biglang nalang nagsalita yung katabi kong mama.na parang kanina pang hindi mapakali.
ewan ko, natatakot din sya siguro sa ginagawa nya.
na baka kasi nagkamali sya ng jeep ng sinakyan. at wala syang mapala sa amin.
"holdap toh?! akin na mga cellphone nyo" may hawak pa syang baril..
hindi ko din maaninagan kung totoo yun, o fake,
pero infairness, epektib ang pananakot nya.
may kasama pala syang dalawang mama sa dulo,
nakahrang sa pinto.
ang mga tao, takot na takot habang inaabot nila ang mga cellphone nilang decamera,
3G, colored, mga cellphone na malalaki, may mga video, at halatang mga mamahalin.
busyng busy din naman si kuya sa pagkuha ng mga cellphone nila.
ako, inaabot ko na kay kuya ng buong puso ang cellphone kong nokia 3315.
hindi nya pinapansin.
pinangkalabit ko pa sakanya ang cellphone ko,
aba't ayaw padin pansinin?!
sabi ko sa isip ko, (ah, ayaw mo ah? sabay tago ng celphone ko sa bulsa ko)
pagtapos nya kunin ang lahat ng mga naggagandahang cellphone ng mga kasama ko sa jeep,
sabi naman nya,
"ang mga pera naman, akin na lahat ng pera nyo!!!"
ang mga tao, binigay na ang buong wallet.
hindi uso sa akin ang wallet nuon,
ang coin purse ko, naiwan ko pa sa bahay,
kaya naman ang natitira kong bente sa bulsa, inabot ko na.
abah?!si kuya manong, dinededma din ang yaman kong bente?
hindi nya alam, nakakabuhay ng tao kya ang bente.
kung sabagay kasi, bulok na din yung ichura ng bente ko,
naisama kasi sa labahan ni mama yun.
at dahil hindi nya pinapansin ang bente ko, itinago ko nalang.
Bogart: wahahaha muka kana kasing gusgusin nung college tayo.
iniisip siguro ni manong na pareho lang kyo ng trabaho, mas mayaman lang sya sa weapon,
Bino: tae, ininsulto ang 3315 ko, bago lang naman ang housing ko nun.
Bogart: yun ba yung housing mong isang araw mo palang nabibili, nalaglag mo agad?
at natanggal ang screen cover?
Bino: oo. hehe. maganda naman ang kulay eh.
Bogart: haha! naawa syo si kuya. baka nga bigyan ka pa nun ng bago.
Posted by -binObogart- at 11:44 AM 3 comments
Sunday, November 8, 2009
ang pagbabalik loob

Bino: matagal tagal nadin kaming hindi nakapag update ni bogart. sa blog nato
Bogart: kasabay ng pagsalanta ng bagyong ondoy sa pinas,
nasalanta din ang blog namin
Bino: nasabayan pa ng pagiging busy ng sked namin
sa trabaho, sa bahay, sa shooting, sa taping, sa mall tour at sa fans day.
Bogart: haha! tae ke, pilingero ka talaga.
Bino: sila bogart, nasalanta ng bongga,
nakikita nyo ba ang pitsur na yan? maayos na yan sa lagay nayan..
Bogart: Total reck talaga ang bahay namin.
nilubog ng baha na galing sa creek. hehe!!
pero buti ngayon, maayos na. nakakarecover naman na.
Bino: ang pinaka pinanghihinayangan ko talaga eh yung mga paintings ni bogart.
kahit pa sabihin nating project lang yun nun college sya..
Bogart:panu tuwang tuwa kang tinititigan ang mga iyon. mga nude paintings eh. wahah
Bino: syempre. wag lang nude painting ng sexy chik tas muka mo.. haha
Bogart: bat naman naisip mo yan? may pagnanasa ka na sakin? hehe
Bino: haha! mandiri ka sa balat mo..
Binobogart: oh basta mga pare, hintayin ang pagbabalik ng mga kalokohan namin..
gang sa muli,,
adios!!!
Posted by -binObogart- at 12:06 AM 0 comments
Tuesday, September 15, 2009
ANG PAYO NI BOGART KAY BINO
Kung minsan, hindi talaga maiiwasan sa magkapatid ang magsapakan, lalo na kung sadyang nabuhay sa mundo ang isa sa kanila na kupal.
Katuald nalang ng nangyari kay Bino.
Nung isang linggo,
sinapak si Bino ng kuya nya...
Pano ko nalaman?
Syempre, nagtext sa akin si bino. At kinuwento nya sa akin ang mga nangyari
Bino: tol, nakwento ko na ba sayo? Sinapak ako ng kuya ko nung isang araw? Hahah! Tae
Bogart: oh, bakit?
Bino: nang dahil sa napaka gandang dahilan, dahil sa dvd player.
Madami kasing nakakabit ng kung anu-anong gadgets kasi sa player namin eh.
Lahat ata ng pwedeng makapagpaganda sa palabas, at sounds ng dvd, ikinakabit ng kuya ko.
Puro pirated naman ang dvd na binibile nya,
Tinanong ko kuya ko kung pano i-on ang isang naka kabit dun.
Ang sabi lang nya, “basta i-plug mo, at i-on mo.”....
masyadong mahaba ang kwento ni bino
haha Batsa ang resulta, nagkamali si bino ng pagbukas ng dvd player. Nagalit ang kuya nyang kupal at sinapak sya..
hahah!
Bogart: hindi ka gumanti?
Bino: hinde..
Bogart: bakit?
Bino: a. hindi ako bayolenteng tao. b. nabigla ako sa pagsapak nya. At c. hindi ko na naisip na gumanti dahil sa sakit ng pagka sapak nya sakin. Haha! Tae.
Bogart: dapat gumanti ka.
Bino: hindi ba pag gumanti ako ngayon, parang late reaction na? Hehe
Bogart: hinde, pag late na, hindi mo naman kelangan sapakin din sya eh, gumanti ka sa ibang paraan. Haha!
Bino: haha! Pano?
Bogart: UNA: IBRUSH MO SA KUKO MO ANG TOOTHBRUSH NYA.
pero siguraduhin mong galing ka sa paglakad sa putikan bago mo gawin yun. Haha!
Tanggal nga ang gingivitis nya, dahil parang hinilod lang ng bato ang ipin nya nun. Hahah!
PANGALAWA: IDELETE ALL ANG CONTACTS NYA SA CELLPHONE
wala na syang laban dun, at laking galit siguro ng kuya mo nun. Haha! Ultimo contact ng mga pina pakyatan ng kuya mo, wala na.
PANGATLO: MAMALANCHA NG BAWAL IPLANCHA
iplancha mo lahat ng breif nya. panigurado, lahat yun luluwag ang garter ng breif nya.
at hindi ka din naman nya masisi dahil bakit mo nga naman ipaplancha breif nya? samantalang pareho lang naman kyong lalaki? haha.
at PANG-APAT luma man, pero epektib padin...
MAGLAGAY NG IPIS SA CLOSET NYA
wahah. saklap na buhay ang mararating nya.
lahat ng damit at under wear nya magbubutas-butas. bawing bawi ka na dun.
wahahha!!! lahat yan, magiging epektib.
kyo, baka may gusto din manghingi ng payo jan. baka may maganda akong maipayo.
wahaha!
ingat kyo palagi..
adios!!!
-BOGART
Posted by -binObogart- at 11:37 PM 5 comments
Monday, August 24, 2009
happeeberdei kei bogart!!!(posted by Bino)
ayan, nakita nyo naman sa title palang, ako lang ang ng post na to,
si bino na mas gwapo kei bogart.
hahah!
alam ko, ang reaksyon ng iba senyo,
"oh?berdei ni bogart?"
oo berdei nya, pero sa sa August 30 pa naman.
kanina, nag iikot ako sa mall,
sa totoo lang mga ilang araw na,,
at hanggang ngeyon, wala padin akong nakikitang magandang mairegalo sa kanya.
ang cheezy ko enoh? magreregalo.
pero naman, gusto ko kasi yung tipong kakaiba.
hindi naman ako pwedeng magregalo ng babae,
dahil kusang lumalapit sa kanya ang babae eh.
minsan nga, may mga kakilala akong babae, nagteteks sakin,
"bino, kamusta nah? mishoo na. ano nga ba number ni bogart sa globe?"
wahah! mga bastos na mag bata.
hindi nalang ako direchohin...
minsan nga gusto ko nalang i-gm ang business card ng number nya, sa dami ng nagtatanong nito... heheh!
kyo, baka may maitutulong kayo sakin,
suggest naman oh,
hehe! wag kyong mag-alala.
busy si bogart this week, hindi nya to mababasa.
mabasa man nya, hindi naman nya malalaman kung alin sa mga suggestion nyo ang pipiliin ko.
hahah! hintayin ko suggestion nyo.. salamat.
P.S
magbigay nadin ng mensahe para kay bogart,
isang hapeeberdei message sa post na to,
salamat mga tol!!!
-Bino
Posted by -binObogart- at 11:51 PM 4 comments
