CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS

Tungkol sa Amin...

My photo
dalawang wirdong tao na mahilig mag blog ang nag sama para sa kanilang wirdong ideya. BINO-BOGART Si Bino-ang tall dark and handsoma na tao. sadyang napaka hirap ihalintulad sa ibang personalidad dahil subok na kakaiba. Si Bogart- kabaliktaran ni Bino pag dating s tangkad. intelektwal na tao., at sadyang mahirap makilanlan. hindi talaga nila masyado alam kung bakit naisip nila ang wirdong ito., gusto lamang nila magkaruon ng malupit na pangalan sa mundo ng blog. katulad ng iba pang mga personalidad. "hindi kami nanggagaya. naiinggit lang"

Maki sali sa usapan dito


ShoutMix chat widget

Friday, February 27, 2009

MAGPAKILANLAN TAYO...

vmay nag iwan ng mensahe sa amin,

ipakilala daw namin ang isat-isa..

kaya naman ate, pinag bigyan ka namin..

si bino:(ayon kay bogart)

Isang matalinong tao, dahil kinaibigan niya ang isang tulad ko.

Hindi ko alam kung paano nagtagpo ang landas naming dalawa pero isa lang ang walang dudang pagkakatulad naming dalawa. pareho kaming habulin ng mga chikas..

Si bino..

tahimik sa umpisa, naabutan ko tong nangungulangot magisa sa tabi nang bigla akong magtanong kung saan ba may bilihan ng yosi. TAHIMIK -- yun nga.. pero pag naumpisahan mong kausapin o magpakita man lang ng onting interes sa pagkatao niya bibirata siya ng kwento.. mapapawisan pati ang eardrums mo sa kakapakinig sa kwentong barok niya. SIYA LAGI BIDA.

Mabait na kaibigan si bino, kaya nga madaming humahabol..

thoughtful kasi na namimisunderstand ng mga kababaihan, akala nila sa kanila lang umiikot ang mundo ni Bino. Ma-effort na tao, hindi napapagod at walang reklamo sa mga bagay-bagay.

Maganda ang hubog ng katawan ng bespren kong ito. (Pare, pampalubag-loob lang)

Matangkad kasi, at kagaya ko 'fit' (ang sabi ng karamihan). Hindi ko masasabing macho kami dahil ayaw ko ng terminong 'yon. Lagi kong naiisip sa salitang yun eh yung mga nagpuputukang bicepts at triceps sa mga magazines. Nakakasukang may makasalubong kang ganun sa daan with matching baby oil pa (..ay.. pawis pala)

Matalino si Bino, gaya ng nasabi ko kanina. May magandang sense of humor, may tamang ka-bastusan, edukado at mahilig magbutingting ng kung anu-ano (self-study daw ang tawag sa ganun -- pagnasira.. EH DI SIRA!)

Gusto niyong malaman kung paano siya manligaw?

Hindi niya ako kinikwentuhan ng mga ligaw na panliligaw niya -- ayw niya atang matuto ako.

Masikreto siya sa buhay 'pagibig' hindi tulad ko..

Gusto ko mala-celebrity ang dating

Ayan si BINO

madami pa akong alam sa kanya..

pero bakit ko ishshare sa inyo..

hanggang jan na lang muna kayo!

si bogart: (ayon kay bino)

bago ang lahat, gusto muna namin linawin na hindi kami bakla,

hindi kami magbakla, at hindi kami nambabakla.

sadya lamang malupit ang samahang bino at bogart na nagumpisa lamang nang makipag kamay sa akin si bino isang umaga matapos kong mangulangot.

nagulat pa ako nang hawawakan nya ang yosi at sinubo iyon...

Si bogart na isang napaka talentadong tao.

magaling sa arts.

nakaka insecure nga kung minsan dahil handang magpa NUDE PAINTING ang mga nagsesexyhang mga chiks sa kanya.

kung minsan iniisip ko din mag aral ng fine arts para dito. ngunit sadyang mailap ang tadhana sa akin.

ayaw ng arts sa akin.

Si bogart na napaka maabilidad at madiskarteng tao..

lahat ata, basta pwedeng pagkakitaan, gagawin nya.

(maliban sa pangbabakla. at pagbenta ng katawan)

kaya naman, hindi ako magtataka kung isang araw ay maging multi-millionaire sya.

ang isang kina-iinggit kong katangian nya, na balak kong nakawian ay ang kanyang pagiging malakas ang tiwala sa sarili.

hindi sya , mayabang.

kampante lang sya na pag may ginusto sya ay syang makukuha nya.

si bogart na chikboi...

hindi sya babaero.,

sadyang lapitin lang sya ng mga nag gagandahan at nagsesexyhan na mga chiks.

dahil sa MAKALAGLAG PANTY nyang tindig,

at hearthrob looking nya,

walang babae ang mangangahas na hindi tumili pag nginitian nya.

isa lang ang maibubuking ko tungkol sa kanya,

pag sya tinamaan, may pagka TORPE din pala...


2 comments:

Dylan Dimaubusan said...

Parahong habulinng chikas ei?
Ahaha!

Teka, nasan si Bogart? I don't understand symbol letters...ahaha

-binObogart- said...

andito lang po si bogart..

ok naman po ang post ah?
haha!

paki ayos ang pagbasa...

hehe!