
binobogart: pasko na naman,,
lumalamig na ang simoy ng hangin...
Bino: nagkalat nadin ang mga parol sa mga palengke,
Bogart: pati nadin ang mga mandurukot at holdaper.
Bino: nako, totoo yan, dapat talaga, ingat ingat lang sa byahe,
Bogart: lalo na ung sa mga alanganing oras ka nag papalaboy laboy sa daan.
Bino: nalala mo ba yung kinuwento ko syo dati?
Bogart: alin dun?
Bino:yung naholdap yung buong jeep na sinakyan ko..
Bogart:hindi na eh.
Bino:college tyo nun, december. madaming ginagawang kung anu-anong mga kaekekan,
kasama nadin dun ang parol making contest per department,
at mga kupal na mga feasibility studies na mistulang pasadyang isinasabay ng mga prof sa mga extra curricular activities..
pauwi ako, wala nang natirang pera sa bulsa kundi ang bente pesos ko, na mukang kailangang ipaabot ko pa kinabukasan para ipambaon ko..
mga alas nuebe na ata nun. pang gabi kasi ang sked ko.
normal naman ang takbo ng byahe,
mejo trapik lang sa bandang espanya.
ano nga naman bago sa espanya, lagi naman trapik dun.
lalo na byernes pa.
habang sa kalagitnaan ng byahe,
nasa bandang quezon avenue na kami,
biglang nalang nagsalita yung katabi kong mama.na parang kanina pang hindi mapakali.
ewan ko, natatakot din sya siguro sa ginagawa nya.
na baka kasi nagkamali sya ng jeep ng sinakyan. at wala syang mapala sa amin.
"holdap toh?! akin na mga cellphone nyo" may hawak pa syang baril..
hindi ko din maaninagan kung totoo yun, o fake,
pero infairness, epektib ang pananakot nya.
may kasama pala syang dalawang mama sa dulo,
nakahrang sa pinto.
ang mga tao, takot na takot habang inaabot nila ang mga cellphone nilang decamera,
3G, colored, mga cellphone na malalaki, may mga video, at halatang mga mamahalin.
busyng busy din naman si kuya sa pagkuha ng mga cellphone nila.
ako, inaabot ko na kay kuya ng buong puso ang cellphone kong nokia 3315.
hindi nya pinapansin.
pinangkalabit ko pa sakanya ang cellphone ko,
aba't ayaw padin pansinin?!
sabi ko sa isip ko, (ah, ayaw mo ah? sabay tago ng celphone ko sa bulsa ko)
pagtapos nya kunin ang lahat ng mga naggagandahang cellphone ng mga kasama ko sa jeep,
sabi naman nya,
"ang mga pera naman, akin na lahat ng pera nyo!!!"
ang mga tao, binigay na ang buong wallet.
hindi uso sa akin ang wallet nuon,
ang coin purse ko, naiwan ko pa sa bahay,
kaya naman ang natitira kong bente sa bulsa, inabot ko na.
abah?!si kuya manong, dinededma din ang yaman kong bente?
hindi nya alam, nakakabuhay ng tao kya ang bente.
kung sabagay kasi, bulok na din yung ichura ng bente ko,
naisama kasi sa labahan ni mama yun.
at dahil hindi nya pinapansin ang bente ko, itinago ko nalang.
Bogart: wahahaha muka kana kasing gusgusin nung college tayo.
iniisip siguro ni manong na pareho lang kyo ng trabaho, mas mayaman lang sya sa weapon,
Bino: tae, ininsulto ang 3315 ko, bago lang naman ang housing ko nun.
Bogart: yun ba yung housing mong isang araw mo palang nabibili, nalaglag mo agad?
at natanggal ang screen cover?
Bino: oo. hehe. maganda naman ang kulay eh.
Bogart: haha! naawa syo si kuya. baka nga bigyan ka pa nun ng bago.
Tungkol sa Amin...
- -binObogart-
- dalawang wirdong tao na mahilig mag blog ang nag sama para sa kanilang wirdong ideya. BINO-BOGART Si Bino-ang tall dark and handsoma na tao. sadyang napaka hirap ihalintulad sa ibang personalidad dahil subok na kakaiba. Si Bogart- kabaliktaran ni Bino pag dating s tangkad. intelektwal na tao., at sadyang mahirap makilanlan. hindi talaga nila masyado alam kung bakit naisip nila ang wirdong ito., gusto lamang nila magkaruon ng malupit na pangalan sa mundo ng blog. katulad ng iba pang mga personalidad. "hindi kami nanggagaya. naiinggit lang"
Friday, December 4, 2009
Ayaw nila sa cellphone ko..
Posted by -binObogart- at 11:44 AM 2 comments Links to this post
Sunday, November 8, 2009
ang pagbabalik loob

Bino: matagal tagal nadin kaming hindi nakapag update ni bogart. sa blog nato
Bogart: kasabay ng pagsalanta ng bagyong ondoy sa pinas,
nasalanta din ang blog namin
Bino: nasabayan pa ng pagiging busy ng sked namin
sa trabaho, sa bahay, sa shooting, sa taping, sa mall tour at sa fans day.
Bogart: haha! tae ke, pilingero ka talaga.
Bino: sila bogart, nasalanta ng bongga,
nakikita nyo ba ang pitsur na yan? maayos na yan sa lagay nayan..
Bogart: Total reck talaga ang bahay namin.
nilubog ng baha na galing sa creek. hehe!!
pero buti ngayon, maayos na. nakakarecover naman na.
Bino: ang pinaka pinanghihinayangan ko talaga eh yung mga paintings ni bogart.
kahit pa sabihin nating project lang yun nun college sya..
Bogart:panu tuwang tuwa kang tinititigan ang mga iyon. mga nude paintings eh. wahah
Bino: syempre. wag lang nude painting ng sexy chik tas muka mo.. haha
Bogart: bat naman naisip mo yan? may pagnanasa ka na sakin? hehe
Bino: haha! mandiri ka sa balat mo..
Binobogart: oh basta mga pare, hintayin ang pagbabalik ng mga kalokohan namin..
gang sa muli,,
adios!!!
Posted by -binObogart- at 12:06 AM 0 comments Links to this post
Tuesday, September 15, 2009
ANG PAYO NI BOGART KAY BINO
Kung minsan, hindi talaga maiiwasan sa magkapatid ang magsapakan, lalo na kung sadyang nabuhay sa mundo ang isa sa kanila na kupal.
Katuald nalang ng nangyari kay Bino.
Nung isang linggo,
sinapak si Bino ng kuya nya...
Pano ko nalaman?
Syempre, nagtext sa akin si bino. At kinuwento nya sa akin ang mga nangyari
Bino: tol, nakwento ko na ba sayo? Sinapak ako ng kuya ko nung isang araw? Hahah! Tae
Bogart: oh, bakit?
Bino: nang dahil sa napaka gandang dahilan, dahil sa dvd player.
Madami kasing nakakabit ng kung anu-anong gadgets kasi sa player namin eh.
Lahat ata ng pwedeng makapagpaganda sa palabas, at sounds ng dvd, ikinakabit ng kuya ko.
Puro pirated naman ang dvd na binibile nya,
Tinanong ko kuya ko kung pano i-on ang isang naka kabit dun.
Ang sabi lang nya, “basta i-plug mo, at i-on mo.”....
masyadong mahaba ang kwento ni bino
haha Batsa ang resulta, nagkamali si bino ng pagbukas ng dvd player. Nagalit ang kuya nyang kupal at sinapak sya..
hahah!
Bogart: hindi ka gumanti?
Bino: hinde..
Bogart: bakit?
Bino: a. hindi ako bayolenteng tao. b. nabigla ako sa pagsapak nya. At c. hindi ko na naisip na gumanti dahil sa sakit ng pagka sapak nya sakin. Haha! Tae.
Bogart: dapat gumanti ka.
Bino: hindi ba pag gumanti ako ngayon, parang late reaction na? Hehe
Bogart: hinde, pag late na, hindi mo naman kelangan sapakin din sya eh, gumanti ka sa ibang paraan. Haha!
Bino: haha! Pano?
Bogart: UNA: IBRUSH MO SA KUKO MO ANG TOOTHBRUSH NYA.
pero siguraduhin mong galing ka sa paglakad sa putikan bago mo gawin yun. Haha!
Tanggal nga ang gingivitis nya, dahil parang hinilod lang ng bato ang ipin nya nun. Hahah!
PANGALAWA: IDELETE ALL ANG CONTACTS NYA SA CELLPHONE
wala na syang laban dun, at laking galit siguro ng kuya mo nun. Haha! Ultimo contact ng mga pina pakyatan ng kuya mo, wala na.
PANGATLO: MAMALANCHA NG BAWAL IPLANCHA
iplancha mo lahat ng breif nya. panigurado, lahat yun luluwag ang garter ng breif nya.
at hindi ka din naman nya masisi dahil bakit mo nga naman ipaplancha breif nya? samantalang pareho lang naman kyong lalaki? haha.
at PANG-APAT luma man, pero epektib padin...
MAGLAGAY NG IPIS SA CLOSET NYA
wahah. saklap na buhay ang mararating nya.
lahat ng damit at under wear nya magbubutas-butas. bawing bawi ka na dun.
wahahha!!! lahat yan, magiging epektib.
kyo, baka may gusto din manghingi ng payo jan. baka may maganda akong maipayo.
wahaha!
ingat kyo palagi..
adios!!!
-BOGART
Posted by -binObogart- at 11:37 PM 5 comments Links to this post
Monday, August 24, 2009
happeeberdei kei bogart!!!(posted by Bino)
ayan, nakita nyo naman sa title palang, ako lang ang ng post na to,
si bino na mas gwapo kei bogart.
hahah!
alam ko, ang reaksyon ng iba senyo,
"oh?berdei ni bogart?"
oo berdei nya, pero sa sa August 30 pa naman.
kanina, nag iikot ako sa mall,
sa totoo lang mga ilang araw na,,
at hanggang ngeyon, wala padin akong nakikitang magandang mairegalo sa kanya.
ang cheezy ko enoh? magreregalo.
pero naman, gusto ko kasi yung tipong kakaiba.
hindi naman ako pwedeng magregalo ng babae,
dahil kusang lumalapit sa kanya ang babae eh.
minsan nga, may mga kakilala akong babae, nagteteks sakin,
"bino, kamusta nah? mishoo na. ano nga ba number ni bogart sa globe?"
wahah! mga bastos na mag bata.
hindi nalang ako direchohin...
minsan nga gusto ko nalang i-gm ang business card ng number nya, sa dami ng nagtatanong nito... heheh!
kyo, baka may maitutulong kayo sakin,
suggest naman oh,
hehe! wag kyong mag-alala.
busy si bogart this week, hindi nya to mababasa.
mabasa man nya, hindi naman nya malalaman kung alin sa mga suggestion nyo ang pipiliin ko.
hahah! hintayin ko suggestion nyo.. salamat.
P.S
magbigay nadin ng mensahe para kay bogart,
isang hapeeberdei message sa post na to,
salamat mga tol!!!
-Bino
Posted by -binObogart- at 11:51 PM 4 comments Links to this post
Wednesday, August 19, 2009
peborit book
binobogart: Mas madalas talaga kahit na anong pagod natin, basta may gusto tayong makamit, ayos lang basta makuha lang natin ito.
Bogart: katulad lang namin ni bino, may paborito talaga kaming libro.
naging adik kami sa librong iyon, kahit na mahirap hanapin, gumawa talaga kami ng paraan para lamang makahanap ng kopya nun..
ganito ang nangyari.
Bino: nalaman namin na may bagong publish na libro daw ang paborito naming libro..
panibagong kalokohan,
at panibagong pagkakakitaan.
Bogart: nung malaman namin iyon, naisipan namin hanapin ang librong iyon sa pinaka malapit na national bookstore sa amin.
Bino: sa kasamaang palad, wala padaw sila nun kundi yung nagiisang display lang.
mula sa national bookstore sa quezon city,sa sm north,
pumunta kami sa national bookstore sa megamall.
Bogart: pagdating duon, parehong dahilan.
hindi padaw sa kanila umaabot ang bagong edition nang naturang libro.
halos ayaw na namin umalis ng mall na iy0n, makahana lamang ng kopya ng paborito naming libro.
Bino: kaya naman naghanap kami ng iba pang bookstore sa mega mall.
nagbabakasakaling may mahanap na din kami. kahit isa lang at maghihiraman na lamang kami.
Bogart: nung isang linggo kasi nakakita dito si bino, hindi naman agad binili.
sa napakagandang rason na kulang yung pera ng bente.
hanep diba?
haha.
Bino: umabot nadin kami sa powebooks, booksale, at ultimo expressions pinatos nadin namin.
sa kasamaang palad wala.
Bogart: nagiwan na din kami ng contact info namin sa powerbooks para kung sakaling pagdating na pagdating ng librong iyon sa store nila, kontakin agad nila kami.
mga desperado diba?
Bino: alam namin na nagtataka kayo kung libro ba talaga iyon,
ngunit syempre hindi namin sasabihin.
waha! hindi naman kasi kami bayad ng author para mag advertise nun.
Bogart: ayun nga,back to our peborit book.
pagdating ng mga alas tres, pumunta kami ng cubao.
Bino:para kunin ang paitings ni bogart sa isang art gallery sa cubao.
astig ni bogart noh? pa art gallery art gallery nalang,.
Bogart: haha! pagdating sa cubao, bigla namin naisip na diba may national bookstore dito?
unang pinuntahan namin ang national bookstore sa tabi ng gateway dahil mas malaki iyon kesa na national sa farmers.
Bino: pagdating duon, nagtanong kami sa sales lady. meron ho ba kyong (tutoooooooot) ng libro?
hehe! pasensya na, bawala talaga mag advertise ng libro dito. .
Bogart: sinamahan kami sa isang section ng libro.
wow. maituturing palang PHILIPPINE LITERATURE book ang librong iyon.
Bino: saludo kami sa iyo na author ng libro.
ngunit pagkakita namin, yung lumang edition ang nanduon.
sabi pa ng sales lady, "yung mga linya jan... mejo anu...."
Bino: "anu...?" ang sabi ko..
"mejo anu, alam mu na," ang nahihiyang sabi nya.
Bogart: haha! gusto namin sabihin, alam namin at barkada namin ang author nito.
Bino: kahit hindi.wahaha. anu naman tingin mo sa amin? walang alam sa librong ito.
at mga minors para balaan mo ng ganyan?
Bogart: wahah. bente uno na kami, at pwede nang bumuntis. wahah!
Bino: "alam namin,nabasa na namin ang naunang libro nito. kaya nga yung bagong edition nito ang hinahanap namin. " ang sabi ko.
sabi ni ate conservative epek. " ay wala pa po kami nun..."
Bogart: hay si ate talaga, pwede naman sabihin agad sa amin na wala pa. pinatagal pa.
Bino: nagdesisyon na kami na umalis pagtapos nun,
pagod kami ni bogart kakahanap ng librong iyon.
sayang at wala pa.
hindi bale, aantayin ko nalang iyon sa mega. tutal malapit lang dun ang opis ko.
Bogart: pagdating sa farmers, nakakita kami ng isang national bookstore,
Bino: "napasok naba natin ito?"ang tanong ko kay bogart,
Bogart: "hindi pa, tara?" ang sagot ko naman.
Bino: sobrang desperado na ata ang tawag sa amin. kung may award para sa loyalty award ng libon iyon, gold winner kami. haha
Bogart: at hanggang ngayon, hindi padin namin nababanggit ang title nito.
haha! anu nga ba ang meron dito?
Bino: sabihin na nating parang FHM na ang katumbas namin dito, wahaha.
BIno: ayun nga. si bogart na ang nagtanong dun sa sales lady na may tulak tulak na cart.
"ate, may tuuuuuuuuutooooot ho ba kyong libro" ang sabi ni bogart.
Bogart: tinulungan kami ni ate na maghanap nun sa isang section ng national.
at may isa pang sales lady ang tumulong sa amin.
Bino: sa kakahanap sa librong iyo sa shelves, biglang napatingin ang sales lady na naunang tumulong sa amin sa cart na tulak tulak nya. "Ay!! ito!!"
Bogart: pagtingin namin, hindi namin maipaliwanag ang pagningning ng mga mata namin ni bino nang makita namin ang librong iyon.
Bino: halos magsitalon kami sa tuwa.
at muntik pang yakapin ni bogart si aling sales lady.
Bogart: wahaha! oi hindi naman.
Bino: haha. kaw, makachansing kalang basta babae eh., kahit may edad na. haha!
Bogart: oi, hindi ah..baka isipin nila, manyakis ako. wahah
Binobogarthehe! ayun nga, sa pagbili namin nitong librong ito, labis na lamang ang tuwa namin.
haha! alam namin ang nasaisip nyo ngayon.
anu nga ba ang meron sa librong yon?
haha. alam nyo naman na iyon...
Posted by -binObogart- at 11:09 PM 4 comments Links to this post
Tuesday, July 28, 2009
Ang pangangapa sa dilim ni Bino...
Bino: kamusta naman ang title na toh., mukang malalait ako dito sa post na to ah?
Bogart: haha hindi naman. ikkwento ko lang sa mga mambabasa natin ang pagigigng huwarang tao mo.
Bino: oh sige, tungkol saan ba ito?
Bogart: kung minsan naawa ako kay bino..
Bino: oh bakit naman?
Bogart: tae, mamaya kana kasi sumingit.. hindi pa ko tapos magkwento..
Bino: wahha. oh, sya sya!
Bogart: sa araw araw na ginawa kasi ng dyos, este sa gabi gabing ginawa ng dyos na nasa bahay si bino at gising sya, lage syang nangangapa sa dilim.
Bino: grabe naman, nagigising din naman ako sa umaga pag off ko. wahahah
Bogart: sa kolsen'er kasi sya nagtatrabaho kaya naman sa gabi sya gising.
yun nga lang, tulog na ang mga tae este mga tao sa kanila.
Bino: at maganda pa nyan hanggang sala, may natutulog sa amin.
Bogart: at kasama nya sa kwarto ang kapatid nya.
kaya naman,
kapag gising sya at nag hahanda na pumasok sa trabaho,
lage at binubuksan nya ang ilaw, lahat ng tao ay nagrereklamo.
pag binuksan nya ang ilaw sa kwarto nila ng kapatid nya
nagagalit ang kapatid nya.
ganun din sa kabilang kwarto na andun ang kuya nya
Bino: grabe naman muka naman akong kawawa sa pagkakakwento mo.
wahaha.
Bogart: ganun naman kasi talaga eh,hehe! pagdating naman sa sala,
andun natutulog ang buong pamilya ng ate nya.
kaya nga malapit nang mainlab itong pare kong ito sa sarili nya dahil gabi gabi syang kumakain ng naka kandila.
na mistulang dinedate nya ang sarili nya.
Bino: hakhak. ang ilaw kasi sa sala sakop na sa dining area namin kaya pinapapatay nila ang ilaw sa akin.
Bogart: at ang katangi-tanging lugar lang sa luob ng bahay nila ang pwedeng magbukas sya ng ilaw eh sa banyo.
Bino: ang katangahan ko pa, nitong huli ko nang naisip na pwede ko naman gamitin ang salamin dun pag nagsusuklay ako at tumingin sa salamin bago pumasok sa trabaho.dati kasi nagtitiis ako dun sa salamin sa sala na wala naman akong nakikita kundi ang anino ko. wahaha
Bogart: try mo nadin na dun nalang kumain.
Bino: whahehe. ang sarap sigurong kumain dun ehnoh? lalo na ng adobo?
Bogart: kung minsan nga umaalis yan ng bahay nila na may toothpaste pa sa labi dahil hindi na nya napapansin na may natitirang toothpaste sa muka nya bgo umalis.
Bino: haha kawawang bata naman talaga ako.
Bogart: pero pasalamat nalang tayo na hanggang ngayon, hindi pa naman sya nabubukolan dahil sa pangangapa nya sa dilim.
Bino: at infairness, nsimula lang nung nakaraang araw, may maliit na ilaw na sa dining area namin. para kahit paano may ilaw na ko tuwing gabi.
Bogart: wahaha. kaya naman, saludo ako dito kay bino eh! wahehe.
Bino: saludo ka ba talaga oh nanlalaet ka lang? hehe. humanda ka sakin, kaw ang susunod na magiging topic natin dito sa blog na to.
Bogart: haha! hintayin ko yan,
Binobogart: Adios!!! :-0
Posted by -binObogart- at 10:00 PM 6 comments Links to this post
Friday, July 17, 2009
api mansta-ree sa min!!!
Bino: akalain mong 6 months na tayo??
Bogart: Huh?! anong sinasabi mo? baka isipin ng mga mambabasa natin na mga magjowa tayo. hehe
Bino: hindi, ang ibig kong sabihin, 6 months na pala tayo nung magsimala tayong makaisip na magsama sa blog.
Bogart: ah oo, syempre. at napansin mo naman na mabilis ang naging pagsikat ng blog nating to dahil sa mga kalokohan natin sa buhay.
Bino: kung minsan nga naiinggit ako dito sa blog natin dahil mas nuana pang sumikat ito kesa sa mga individual blogs natin na nauna nating nagawa eh.
Bogart: waha pareng bino, palagay ko kailangan mong mag pa bangs na.
Bino: bakit naman?
Bogart: ang emo mo eh., wahaha
Binobogart: anyway, 6 months na nga ang nag daan., at may 15 ns followers na kami. ang saya ng ganito. sumisikat kami ng napapahiya kami. whaheheh.
Bino: isipin mo, nun simulan natin ito, hindi tayo sigurado kung magmumuka tayong korni sa mga tao. pero tinry natin. heheh!
Bogart: at bukod sa 15 followers natin. may madami-dami nadin tayong readers.
BiNo: oo nga eh., kaya po sa mga masugid naming mambabasa, sana patuloy nyo lang po na itangkilik ang blog namin.
Bogart: at ipagpapatuloy din namin ang pagpapasaya sa inyo.
Binobogart: hahah! masayang pagbabasa sa lahat!!!
Posted by -binObogart- at 11:58 PM 12 comments Links to this post
