Binobogart: Sa ika-13 araw ng buwan, dalawang araw bago ang sahod, ay mauubos mo na ang sinuwledo mo nung nakaraang katapusan.
Bogart: Nawindang ka nung Makita mo ang natitirang budget nalang sa pitaka mo ay para na lamang sa pagpunta mo sa trabaho. At maaring hindi ka na makauwi.
Bino: Sa kamalas malasan pa, nakatira ka pa sa bandang Quezon City at nagtatrabaho ka sa ortigas, o sa Makati.
Bogart: Hindi ka din naman makahiram sa mga kasamahan mo sa trabaho na katulad mo lamang kasalukuyang nauubusan ng budget.
Bino: Pati nadin sa barkada mong katulad ni bogart na kasama mo nung isang gabi na nagwaldas ng pera sa inuman dahil umaasa na ng nalalapit ninyong sweldo.
Bogart: NGUNIT maaring dumating pa ang inyong kumikinang na sahod, kundi sa
akinse, sa ika katorse pa ng gabi.
Bino: Paano ka uuwi?
Alangan naman lakarin mo ang kahabaan ng EDSA mula Ortigas hanggang Quezon City?
Binobogart: narito ang mga naisip naming mga para-paraan upang ikaw ay makauwi ng matiwasay at walang bagabag sa sarili…
SLEEPING BYUTI
Bogart: hwag mo nang tangkaing mag MRT pa pa-uwi, dahil nasa bungad palang, hindi ka na makakapasok pa.
Bino: makalusot ka man papasok, hindi ka na makakalusot palabas.
Bogart: Kaya mag Bus ka nalamang.
Bino: tama, hindi bale, pipili ka naman ng komportableng bus eh.,
Bogart: oo. Mag air-conditioned bus ka.
Bino: huh? Hindi ka ba mahuhuli nun? At baka maabugbog pa mga mambabasa natin?
Bogart: Bino, mas barako ang mga sumasakay sa ordinary., at pag nahuli ka dun, panigurado, bogbog ka.
Bino: haha! Oo nga, balik tayo sa proseso. So, pano nga ba ang gagawin?
Bogart: simple lang, humanap ng tagong pwesto, at umupo ng napaka komportable,
Bino: Ngunit kailangan magmadali, kailangan makahanap ka ng mauupuan mo, habang hindi pa tapos tumawag ng iba pang pasahero ang kundoktok.
Bogart: para hindi nya malaman kung saan ka talaga pumwesto.
Bino: at pagkaupo mo, unti-unti kang pumikit na animoy may nag hipnotisya sa iyo.
Bogart: kunwari ikaw ay bukod sa pagod na pagod, ikaw ay tulog na tulog pa.
Bino: hwag gigising kahit pa naramdaman mong nasa lane nyo na ang kundoktor.
Bogart: at gumising na lamang sa lugar kung saan ikaw ay bababa na.
Bino: haha! Basta tandaan mo, magmadali lamang sa pagbaba.
MMK (madugasan mo kaya?!)
Bino: Hindi mo kailangang mag sulat sa bus ng liham para kay ate charo habang bumabyahe sa kahabaan ng edsa
Bogart: Sa halip ang kailangan mo lamang ay talento.
Bino: Talento sa pandurugas sa mga tao.
Bogart: So pano nga ba to?madali lang naman to, effort less!!!
Bino: Pag sakay mo ng bus,humanap ka ng magandang pwesto,
Tumabi ka sa isang taong mukang hindi gagawa ng maganda.
Sa taong mukang holdaper, ngunit kailangan, siguraduhin mong nag iisa.
Bogart: Kailangan malaman mo kung saan sya bababa.
Kailangan mong siguraduhing mauuna syang bababa seo.
Bino: Teka, pano mo naman gagawin yun?
Bogart: Ehdi tanungin mo. Na kunwari tinatanong mo lang para malaman mo kung magkano babayaran mo sa pamasahe mo.
Bino:Haha! Onga, tama. So parang ganito. “ma, saan ho ba kyo bababa? Magkano ho binarayan nyo?” “magkano ho kaya pag sa muñoz?” at magdagdag pa ng iba pang topic na tungkol sa pagkakaiba ng mga porn movies nuon at ngayon na tulad ng mag video ni hayden.
Bogart:O-ha, para-paraan lang yan., pagbaba ni manong mukang manggagancho mag intay ng mga tatlong minuto. At biglang mag reak.
“wah! Nadukutan ako!!!!!!!!”
Bino: Kailangan pag butihin mo pa kaya kailangan mejo maluha luha ka. Maglagay ka ng eye-mo. Kung wala kang dala, kusutin mo nalang ng maigi ang mata mo.
Binobogart: Hehe!TYAK, Maawa ang mga tao sa iyo.
MR. CONGENIALITY
Bogart: katulad ng sa MMK, kailangan mong humanap ng taong idadamay mo.
Bino: ngunit sa pagkakataong ito, kailangan chiks na ang hahanapin mo.
Bogart: hindi na mahalaga kung ano pang ichura nya, ang mahalaga, magisa sya.
Bino: pag upo, mag intay ka ng isang minuto at kausapin sya.
Bogart: hwag mo nang gawin ang lumang damubs na nagtatanong kuno ng oras, tapos biglang magpapakila.
Bino: Sa halip, magtanong ka kung magkano na ang basic fare ngayon.
magusap ng tungkol sa current events sa pagkapanalo ni pacquiao. Pati nadin ang planong pagpapaderma ni Doña Dionisia.
Bogart: at dahil babae ang kausap mo, pwede kang magbukas ng topic ng tungkol sa latest fashion sa buhok. Na uso na ang kalbong emo.
Bino: magusap lang kayo ng magusap hanggang sa bumaba na sya. Mag babye ng buong giliw, kunwari ay close na close ka yo.
Bogart: pagdating mo sa bababaan mo, bumaba ka na.
Bino: at pag sinita ka ng kundoktor, ganito ang sabihin mo, “nagbayad na kami ng girlfren ko.”
BinoBogart: hindi naman malalaman ng babae na pinakilala mo syang gf eh., hindi na kyo magkikita....!haha!!