CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS

Tungkol sa Amin...

My photo
dalawang wirdong tao na mahilig mag blog ang nag sama para sa kanilang wirdong ideya. BINO-BOGART Si Bino-ang tall dark and handsoma na tao. sadyang napaka hirap ihalintulad sa ibang personalidad dahil subok na kakaiba. Si Bogart- kabaliktaran ni Bino pag dating s tangkad. intelektwal na tao., at sadyang mahirap makilanlan. hindi talaga nila masyado alam kung bakit naisip nila ang wirdong ito., gusto lamang nila magkaruon ng malupit na pangalan sa mundo ng blog. katulad ng iba pang mga personalidad. "hindi kami nanggagaya. naiinggit lang"

Maki sali sa usapan dito


ShoutMix chat widget

Tuesday, June 30, 2009

SA MGA MATA NG MGA INOSENTE



binobogart: mejo matagal tagal din kaming hindi naka update ng post sa blog...

Bino: nagtalo kasi kami ni bogart kung sino talaga ang mas gwapo sa aming dalawa.

Bogart: kaya naman, naisip naming mag serbey. sainyo namin ipapaubaya.

Bino: hulaan nyo na muna kung sino sa palagay nyo si bino at sino si bogart.

Bogart: at maki koment na kung sino talaga ang mas gwapo. hahaha!

Bino: pag pasensyahan nyo na, mga mukha kaming banlag jan.

Bogart: at mga mukang adik lang.

Bino: oo nga pala, naedit na namin and brightness at contrast nian. wahaha

Binobogart: mga mukha naman kaming inosente diba?haha. salamat. adios

Thursday, June 18, 2009

eM-ARTE

Bino: Kakaibang experience talaga bawat araw sa MRT kaya kahit isang mahabang train lng yun sa EDSA madami kaming adventures dun..

Bogart :akalain mong pati sa MRT, nakaka isip tayo ng madaming kalokohan?

Bino: syempre, sa dalas nating nag e-Em.RT, hindi pa ba natin mabibiktima ang iba pang mga taong nakasakay dito?

Bogart: Eto ang ilan sa mga ka-adbenchurs namin sa loob ng train ng MRT...

Bino: simple lang naman ito, binigyan namin ng tawag ang mga iba't ibang klase ng tao na sumasakay dito.

THE PUSHERS

Bino: Hindi yan yung mga nagtutulak ng droga ha.. mas malalala pa..

Bogart: Yan yung mga taong mahilig namang manulak papasok ng train kahit alam nilang puno na talaga. animoy' mga hari ng entrance ng MRT kung makatulak sa pagmamadali.

Bino: akala naman nila, maisisiksik nila ang mga sarili nila sa MRT, pag nanulak sila, kahit na punong puno na...

Bino: Mahirap pa jan, magrereklamo pang masikep.. bayaan nalang natin silang amuyin ang kili-kili ng ibang tao sa pagpupumilit nila. hehehee

TRIP TO JERUSALEM

Bogart: Lahat ng mamamayang pilipino, matanda man / babe o lalaki /etc nagpapakabata sa loob ng MRT

Bino: Madalas maglaro ng TRIP TO JERUSALEM sa loob ng MRT kahit next station na sila baba..

Bogart: Masulit lang ang bayad..

Bino: kung sa bagay. maski tayo naman eh., hehe!

Bogart: naalala ko pa yung kabaitan mo bino.,

Bino: oh ano naman yun?

Bogart: nung minsang may nakasakay kang matandang madaming dala sa MRT...
na tinulungan mong magbit bit ng daladala yung matanda.
ang maganda dun, hindi mo nalang pinaupo sa inuupuan mo... wahehehe

Bino: atleast tinulungan ko diba? hehe. sayang naman kasi yung ipinila ko, ay yung ibinayad ko kung ipapa upo ko lang sa iba...

THE PERVS

Bino: Taliwas sa aming maginoong personalidad.. Madami pa ding BASTUSIN sa loob ng MRT

Bogart: haha.. Makadikit lang kahit saang parte ni 'Miss' (maganda man o hindi.. basta katawang babae)

Bino: Problema lang, minsan hindi pala 100% babae ang nachansingan.. *malas*

Bogart: pano, kahit siguro poste, nakapalda, chachansingan nila. waheheheh

SANDALERO't SANDALERAs

Bogart: Madalas sa mga chikas ang ganito.. yung walang kabalance balance sa katawan.

Bino: Kaya ginagawa nilang sandalan ang mga kagaya naming machos (haha)

Bogart: Sana naman kasi matuto silang humawak sa mga 'poles' at 'handles' ng MRT.. kaya nga naimbento eh..

Bino: pero ayos lang naman lalo na kung seksi ang chiks... pero kung lalaking nagpapanggap na babae, ah ibang usapan na yan...

POLE HUGGERS

Bino: Pano naman sila hahawak kung may mga taong literal na nakayakap sa mga 'poles' na yun?

Bogart: Ah oo, yung mga nagsusulit ng bayad nila.. kung hindi makaupo aangkinin na lang yung isang poste ng train

Bino: na animoy, mahal na mahal na nila ang poles, at handa na nilang mag seremonya ng kasal sa loob ng tren.

Bogart: at halos mahalikan na nila ito.. hahaha

SUPERNOVA

Bino: Hindi naman kami mapanghusga ni Bogart, kaso may mga tao lang talagang hindi namin matiis

Bogart: Sila ang mga supernova, yung mga pasosyal (lalo na ang mga chikas) na bawal MADIKITAN, one-seat-apart ata ang gusto. Kung nakatayo naman, dapat may imaginary wall na bawal madikitan.

Bino: Excuse me lang, parepareho po tayo ng bayad sa loob ng train.

Bogart: Sana nagtaxi na lang kayo..

Bino: at naligo naman kami. saka kami yata ang mga lalaking laging dinidikitan ng mga chiks. kung ikaw, ayaw mo padikit samin, malamang tomboy ka. wahahhaha

BACKPACKERS

Bino: Kagaya ng mga SUPERNOVAs wala din silang pakialam sa paligid..

Bogart: Sila naman yung doble ng katawan namin ni Bino. Mga galing gym at dahil galing gym eh may mga dalang gigantic gym bags. Madalas pa nito backpack ang dala. Bugbog sarado kahit sinong mapunta sa likod nga mga 'to.

Bino: naghahamon ata ng away ang mga to. at dahil malaki ang mga katawan nila, alam nilang hindi papalag ang mga tao sa kanila... tigas ng muka enoh??

Bogart: oo, mga naka baby oil naman sa katawan. wahahhaha

ANTUKENS

Bino: Eto yung mga kalalakihang nagtutulogtulugan..

Bogart: Para makatakas sa obligasyon na magpa-upo ng mga seniors, dalagas at disabled..

Bino: parang mga gawain lang ng mga mahilig mag wantu-tri sa bus.

Bogart: nako, maniwala lang kyong tulog sila pag may tumulo nang laway. wahehehe

THE ENTERTAINERS

Bino: Madaming under sa entertainers.. eto yung madalas naming pag-usapan ni Bogart paglabas ng train..

Bogart: yung mga taong, titigan mo palang, maaaliw ka na.. at hindi na maalis ang atensyon mo sakanya.

Bino: dahil kahit anong gawin mo, hindi mo iwasang manlait pag nakikita mo sya. whahahah

Stand Up Comedias Wanna Be

Bogart: Mostly mga magkakasamang bading na walang ibang ginawa kundi magpapansin sa pamamagitan ng pagpapatawa..

Bino: yung tipong pag nakipag kwentuhan, animoy buong pasahero eh kausap nila sa lakas ng boses nila.

Bogart: at kung makahalakhal pa, parang wala nang ihahalakhak pa bukas.

Bino: o kaya naman, tila bukas, ipagbabawal na ang paghalakhak. nyahahhaha

Chika Machine

Bino: Sila yung mga kahit ayaw mo makinig sa phone conversation nila eh mapipilitan ka dahil sa sobrang lakas ng boses.. Hindi nila feel na nasa MRT sila.. Ala sige, kwento!

Bogart: parang yung ma stand up comedian lang. ang malala lang, kausap nila nasa cp. kala mo naman, nasa kabilang tren maka kwento. haha

Bino: ang wirdo sa kanila, pag naka ear phone lang sila. muka silang baliw nagsasalita mag isa. wahahhah

Mr. & Ms. Genius

Bogart: Mga intelektwal na kapupulutan ng kung anu-anong facts at trivias na pwede mong ma-share sa mga ka-officemate mo pagdating sa opisina. (Wag mo lang sasabihing nakuha mu yun sa MRT para sabihin nilang matalino ka din)

Bino: yung mga tao na bigla bigala kang iaapproach at mag kkwento ng mga tungkol sa general issues tulad ng planong pag sabak sa commercial modeling ng derma clinic ni aling dionisia.

SOULMATE SEARCHERS

Bino: As usual, hindi mawawala..

Bogart: Ang mga magsing-irog na walang ginawa kundi magyakapan at maglambingan sa loob ng train. o sabihin nating naglalandian. hehehe

Bino: Sa mga taong to -- naglagay na po ng SOGO sa halos lahat ng MRT Stations.. dun na lang muna kayo maglambingan..

Bogart: hayaan mo na, hirap na nga sila mag pigil kya sa tren palang., nagmamanyakan na sila eh., wahahha

BRATZ

Bogart: Hindi din mawawala ang mga bata sa loob ng train, madalas pa mga nakakabwisit na bata ang makakasama namin sa train..

Bino: Yung mga batang kahit gano kaingay, kahit gano kagulo eh cute pa din sa paningin ng mga magulang nila..

Bogart: samantalang sa paningin ng ibang tao, parang ang sarap nang sakalin. haha

ZOMBIES

Bogart: Madalas makakakita ka ng zombies pag 5 hanggang 7am..

Bino: Yan ang mga kagaya kong dala minsan ng hangover -- malamang antok pa..

Bogart: Madami sa populasyon ng mga sumasakay sa MRT ay mga zombies.. Mga wala namang irereact kaya ganun na lamang ang mga facial expression.. NAKATULALA, NAKATUNGANGA, NAKATANGA!

Bino: tapos, maputla pa ang mga muka. wahehehe

Binobogart: haha! iilan lang sila sa mga kapansin pansin sa MRT. madami pa sila. kayo na ang mag obserba. nakakatawa lang, dahil kami mismo, madalas isa sa mga yan.
sa mga mapapansin namin pasensya na., malikot lang ang utak namin.
hahah! adios!!!


Wednesday, June 10, 2009

ISANG TANONG ISANG SAGOT



Bino: Naalala mo nung sumakay tayong taxi noon kasama ang tatlong chikas?


Bogart: o bakit, ano naman?


Bino: Lintek, walang wala na tayong pera nun (at malamang tayo ang maghahati sa bayad)..


Bogart: Ano nga, pinapahaba pa eh..


Bino: ..tapos nagpadagdag pa si 'Kuya Manong' ng lintek na bente pesos kasi puno daw?


Bogart: (grrrrrr...)


Bino: Eto ba, overloading din ba to (tsss..)?



Narrator (Bogart): At tuluyan nang nabwisit si Bino nang makita namin tong taxing 'to papuntang Bulacan.

the end

Monday, June 1, 2009

LIQUID HANDSOAP SAVES THE DAY!!!

(Ang silbi ng hand soap sa mga cr sa opis bukod sa hand soap.)

Bogart: mapapansin natin sa mga karamihan sa CR sa mga opisina ay may hand soap.

Bino: ngunit alam nyo ba na bukod sa pagiging hand soap, may iba pang maitutulong ito sa lahat?

Bogart: opo, tama ang inyong nabasa. Kung sa tingin nyo, luge kyo sa sweldong ibinibigay ng kumpanya sa inyo, aba! Makakabawi na kyo kahit manlang sa pamamagitan ng handsoap.

Binobogart: Ito ang mangilang ngilan sa mga aming napagalaman base sa aming napuna.


FACIAL WASH/SCRUB


Bogart: sa umaga, bago pumasok sa trabaho, lahat naman tayo siguro ay naliliigo,

Bino: nagpapapogi, yung iba nagbobody spray, yung mga babae naman nag memake-up o kaya powder. Basta nagaayos tayo diba? Upang maging kaaya-aya tayo sa mga makakasalubong satin.

Bogart: Ngunit dahil sa sobrang titig mo sa sarili ay bigla mong naalala, malelate ka napala…kaya magmamadali ka.

Bino: siksikan sa MRT, mausok naman masyado kung mag bus ka.

Bogart: kaya malamang, pag dating mo sa opis, huggard ka na.

Bino: lahat ng oras na ginugol mo sa pag aayos sa sarili ay isang oras lang nawala at napalitan ng alikabok at pawis.

Bogart: ngunit wag mag alala. Dahil anjan naman ang hand soap sa inyong CR. Pwede mo naman kasing ipanghilamos ito.

Bino: at paniguradong malilinis ang muka mo.dahil matapang ang handwash diba?

Bogart: at! Ang kagandahan pa dun, mabango pa sya…

Bino: haha, iwas gastos na, malinis pa muka mo.

Bogart: haha! Ayos!!!


DISHWASHING LIQUID


Bino: sa araw araw na pagpasok mo sa trabaho, may daladala kang mug/thumbler/ o kahit na ano pang baso…

Bogart: ngunit diba, madalas, pagka gamit natin dito, ay drecho nating nilalagay ito sa ating bag. Na walang hugas hugas hanggang kinabukasan dahil sa sakit na tinatawag na kalimot.

Bino: ngunit hwag mag alala. Dahil hindi nyo padin ito gagamitin ng hindi nahuhugasan. Ang kailangan nyo lang ay pumunta sa CR, at gawing dishwashing liquid ang hand soap.

Bogart: kaya naman, aming pinapayo na magdala ka na din ng sponge. Para mas maging malinis ang paghugas mo sa thumbler mo.

Bino: Nang sa gayon, pag nilagyan mo ito ng tubig, hindi na amoy kape ang thumbler mo.

Bogart: malupit pa yan sa axion at joy. At sigurado kang makakiwas na sa AH1N1.

Bino: haha! Apir bogart!!!


AFTER-JEBS SOAP

Bino: hindi mo na nagawang mag almusan dahil sa malelate kana

Bogart: kaya naman pag dating ng lunch, tumira ka ng sangkatutak na pagkain. Para maibsan ng tuluyang ang iyong malupit na gutom.

Bino: at pagkatapos ng lahat ng kabusogan, naramdaman mong may kumakatok sa iyong chan, at nagpupumilit makalabas.

Bogart: oo, madali lang naman magbawas, ang mahirap, ang maghugas dahil hindi ka nakadala ng sabon.

Bino: alangan naman, mag jebs ka ng walang hugas hugas. Ang alingasaw mo nun tol!! Haha!!

Bogart: ngunit mabuti na lang, anjan si pareng handsoap., pwede mo nang magamit ito bilang after jebs soap.

Bino: kung naiilang ka, at nagiinarte ka, mamili ka nalang, walang hugas, o walang jebs?

Bogart: haha! Kaya wag nang mahiya. Mabango ang hand soap, hindi ka pa iiwasan ng matagal mo nang pinopormahang chik na opismeyt mo,


BUSINESS AS USUAL

Bogart: Sa araw araw na pag gamit mo ng hand soap sa CR, napansin mo nabang naubos ang handsoap nyo sa inyong opisina?

Bino: malamang sa malamang, hindi pa. yung kasing janitor, ang trabaho lang nila madalas ay siguraduhing may lamang hand soap yung lalagyanan nito.

Bogart: kaya kahit kapupuno lang nila ng lalagyan, kahit may isang gumamit lang nito, pupunuin ulit nila ito…

Bino: kaya para matulungan mo si manong janitor sa kanyang trabaho, magdala ka ng container at araw araw mo itong lagyan at punuin ng hand soap mula sa opisina nyo,

Bogart: at ibenta mo sa murang halaga.

Bino: makakatulong kana kay manong janitor, makakatulong ka na din sa lipunan dahil sa murang halaga nito at sa kampanya laban sa AH1N1 virus, kumikita ka pa.

Bogart: oo nga! Talino talaga natin. Haha!!!


Binobogart: ngunit isa lang ang pinaka mahalaga, siguraduhin mong walang makaka kita syo, dahil masesesante ka!! Haha! Adios..