CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS

Tungkol sa Amin...

My photo
dalawang wirdong tao na mahilig mag blog ang nag sama para sa kanilang wirdong ideya. BINO-BOGART Si Bino-ang tall dark and handsoma na tao. sadyang napaka hirap ihalintulad sa ibang personalidad dahil subok na kakaiba. Si Bogart- kabaliktaran ni Bino pag dating s tangkad. intelektwal na tao., at sadyang mahirap makilanlan. hindi talaga nila masyado alam kung bakit naisip nila ang wirdong ito., gusto lamang nila magkaruon ng malupit na pangalan sa mundo ng blog. katulad ng iba pang mga personalidad. "hindi kami nanggagaya. naiinggit lang"

Maki sali sa usapan dito


ShoutMix chat widget

Monday, June 1, 2009

LIQUID HANDSOAP SAVES THE DAY!!!

(Ang silbi ng hand soap sa mga cr sa opis bukod sa hand soap.)

Bogart: mapapansin natin sa mga karamihan sa CR sa mga opisina ay may hand soap.

Bino: ngunit alam nyo ba na bukod sa pagiging hand soap, may iba pang maitutulong ito sa lahat?

Bogart: opo, tama ang inyong nabasa. Kung sa tingin nyo, luge kyo sa sweldong ibinibigay ng kumpanya sa inyo, aba! Makakabawi na kyo kahit manlang sa pamamagitan ng handsoap.

Binobogart: Ito ang mangilang ngilan sa mga aming napagalaman base sa aming napuna.


FACIAL WASH/SCRUB


Bogart: sa umaga, bago pumasok sa trabaho, lahat naman tayo siguro ay naliliigo,

Bino: nagpapapogi, yung iba nagbobody spray, yung mga babae naman nag memake-up o kaya powder. Basta nagaayos tayo diba? Upang maging kaaya-aya tayo sa mga makakasalubong satin.

Bogart: Ngunit dahil sa sobrang titig mo sa sarili ay bigla mong naalala, malelate ka napala…kaya magmamadali ka.

Bino: siksikan sa MRT, mausok naman masyado kung mag bus ka.

Bogart: kaya malamang, pag dating mo sa opis, huggard ka na.

Bino: lahat ng oras na ginugol mo sa pag aayos sa sarili ay isang oras lang nawala at napalitan ng alikabok at pawis.

Bogart: ngunit wag mag alala. Dahil anjan naman ang hand soap sa inyong CR. Pwede mo naman kasing ipanghilamos ito.

Bino: at paniguradong malilinis ang muka mo.dahil matapang ang handwash diba?

Bogart: at! Ang kagandahan pa dun, mabango pa sya…

Bino: haha, iwas gastos na, malinis pa muka mo.

Bogart: haha! Ayos!!!


DISHWASHING LIQUID


Bino: sa araw araw na pagpasok mo sa trabaho, may daladala kang mug/thumbler/ o kahit na ano pang baso…

Bogart: ngunit diba, madalas, pagka gamit natin dito, ay drecho nating nilalagay ito sa ating bag. Na walang hugas hugas hanggang kinabukasan dahil sa sakit na tinatawag na kalimot.

Bino: ngunit hwag mag alala. Dahil hindi nyo padin ito gagamitin ng hindi nahuhugasan. Ang kailangan nyo lang ay pumunta sa CR, at gawing dishwashing liquid ang hand soap.

Bogart: kaya naman, aming pinapayo na magdala ka na din ng sponge. Para mas maging malinis ang paghugas mo sa thumbler mo.

Bino: Nang sa gayon, pag nilagyan mo ito ng tubig, hindi na amoy kape ang thumbler mo.

Bogart: malupit pa yan sa axion at joy. At sigurado kang makakiwas na sa AH1N1.

Bino: haha! Apir bogart!!!


AFTER-JEBS SOAP

Bino: hindi mo na nagawang mag almusan dahil sa malelate kana

Bogart: kaya naman pag dating ng lunch, tumira ka ng sangkatutak na pagkain. Para maibsan ng tuluyang ang iyong malupit na gutom.

Bino: at pagkatapos ng lahat ng kabusogan, naramdaman mong may kumakatok sa iyong chan, at nagpupumilit makalabas.

Bogart: oo, madali lang naman magbawas, ang mahirap, ang maghugas dahil hindi ka nakadala ng sabon.

Bino: alangan naman, mag jebs ka ng walang hugas hugas. Ang alingasaw mo nun tol!! Haha!!

Bogart: ngunit mabuti na lang, anjan si pareng handsoap., pwede mo nang magamit ito bilang after jebs soap.

Bino: kung naiilang ka, at nagiinarte ka, mamili ka nalang, walang hugas, o walang jebs?

Bogart: haha! Kaya wag nang mahiya. Mabango ang hand soap, hindi ka pa iiwasan ng matagal mo nang pinopormahang chik na opismeyt mo,


BUSINESS AS USUAL

Bogart: Sa araw araw na pag gamit mo ng hand soap sa CR, napansin mo nabang naubos ang handsoap nyo sa inyong opisina?

Bino: malamang sa malamang, hindi pa. yung kasing janitor, ang trabaho lang nila madalas ay siguraduhing may lamang hand soap yung lalagyanan nito.

Bogart: kaya kahit kapupuno lang nila ng lalagyan, kahit may isang gumamit lang nito, pupunuin ulit nila ito…

Bino: kaya para matulungan mo si manong janitor sa kanyang trabaho, magdala ka ng container at araw araw mo itong lagyan at punuin ng hand soap mula sa opisina nyo,

Bogart: at ibenta mo sa murang halaga.

Bino: makakatulong kana kay manong janitor, makakatulong ka na din sa lipunan dahil sa murang halaga nito at sa kampanya laban sa AH1N1 virus, kumikita ka pa.

Bogart: oo nga! Talino talaga natin. Haha!!!


Binobogart: ngunit isa lang ang pinaka mahalaga, siguraduhin mong walang makaka kita syo, dahil masesesante ka!! Haha! Adios..



5 comments:

Hermogenes said...

tipid tips? ayos! lolz

Hari ng sablay said...

agen. gagawin ko ulit sinabi niyo. bsta mga tips na gnyang galing sa inyo susundan ko,hehe

HOMER said...

ayus to ah haha!! tamang tama!! kuha na din ng container tapos iuwi sa haus haha!!

Rhodey said...

haha okey tong tipid tips mo ha? pero alam mo bang lahat nang gamit sa opisina ay iniimbentory? at ang mga expenses kapag sobra sa limit ay ibinabawas sa EWB? aheheheks...

-binObogart- said...

rhodey, sumakit ang ulo namin sa kinoment mo..

hehehe!!!