CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS

Tungkol sa Amin...

My photo
dalawang wirdong tao na mahilig mag blog ang nag sama para sa kanilang wirdong ideya. BINO-BOGART Si Bino-ang tall dark and handsoma na tao. sadyang napaka hirap ihalintulad sa ibang personalidad dahil subok na kakaiba. Si Bogart- kabaliktaran ni Bino pag dating s tangkad. intelektwal na tao., at sadyang mahirap makilanlan. hindi talaga nila masyado alam kung bakit naisip nila ang wirdong ito., gusto lamang nila magkaruon ng malupit na pangalan sa mundo ng blog. katulad ng iba pang mga personalidad. "hindi kami nanggagaya. naiinggit lang"

Maki sali sa usapan dito


ShoutMix chat widget

Tuesday, July 28, 2009

Ang pangangapa sa dilim ni Bino...

Bino: kamusta naman ang title na toh., mukang malalait ako dito sa post na to ah?
Bogart: haha hindi naman. ikkwento ko lang sa mga mambabasa natin ang pagigigng huwarang tao mo.
Bino: oh sige, tungkol saan ba ito?

Bogart: kung minsan naawa ako kay bino..
Bino: oh bakit naman?
Bogart: tae, mamaya kana kasi sumingit.. hindi pa ko tapos magkwento..
Bino: wahha. oh, sya sya!

Bogart: sa araw araw na ginawa kasi ng dyos, este sa gabi gabing ginawa ng dyos na nasa bahay si bino at gising sya, lage syang nangangapa sa dilim.
Bino: grabe naman, nagigising din naman ako sa umaga pag off ko. wahahah
Bogart: sa kolsen'er kasi sya nagtatrabaho kaya naman sa gabi sya gising.
yun nga lang, tulog na ang mga tae este mga tao sa kanila.
Bino: at maganda pa nyan hanggang sala, may natutulog sa amin.

Bogart: at kasama nya sa kwarto ang kapatid nya.
kaya naman,
kapag gising sya at nag hahanda na pumasok sa trabaho,
lage at binubuksan nya ang ilaw, lahat ng tao ay nagrereklamo.
pag binuksan nya ang ilaw sa kwarto nila ng kapatid nya
nagagalit ang kapatid nya.
ganun din sa kabilang kwarto na andun ang kuya nya
Bino: grabe naman muka naman akong kawawa sa pagkakakwento mo.
wahaha.
Bogart: ganun naman kasi talaga eh,hehe! pagdating naman sa sala,
andun natutulog ang buong pamilya ng ate nya.
kaya nga malapit nang mainlab itong pare kong ito sa sarili nya dahil gabi gabi syang kumakain ng naka kandila.
na mistulang dinedate nya ang sarili nya.
Bino: hakhak. ang ilaw kasi sa sala sakop na sa dining area namin kaya pinapapatay nila ang ilaw sa akin.

Bogart: at ang katangi-tanging lugar lang sa luob ng bahay nila ang pwedeng magbukas sya ng ilaw eh sa banyo.
Bino: ang katangahan ko pa, nitong huli ko nang naisip na pwede ko naman gamitin ang salamin dun pag nagsusuklay ako at tumingin sa salamin bago pumasok sa trabaho.dati kasi nagtitiis ako dun sa salamin sa sala na wala naman akong nakikita kundi ang anino ko. wahaha
Bogart: try mo nadin na dun nalang kumain.
Bino: whahehe. ang sarap sigurong kumain dun ehnoh? lalo na ng adobo?

Bogart: kung minsan nga umaalis yan ng bahay nila na may toothpaste pa sa labi dahil hindi na nya napapansin na may natitirang toothpaste sa muka nya bgo umalis.
Bino: haha kawawang bata naman talaga ako.

Bogart: pero pasalamat nalang tayo na hanggang ngayon, hindi pa naman sya nabubukolan dahil sa pangangapa nya sa dilim.
Bino: at infairness, nsimula lang nung nakaraang araw, may maliit na ilaw na sa dining area namin. para kahit paano may ilaw na ko tuwing gabi.

Bogart: wahaha. kaya naman, saludo ako dito kay bino eh! wahehe.
Bino: saludo ka ba talaga oh nanlalaet ka lang? hehe. humanda ka sakin, kaw ang susunod na magiging topic natin dito sa blog na to.
Bogart: haha! hintayin ko yan,

Binobogart: Adios!!! :-0

Friday, July 17, 2009

api mansta-ree sa min!!!

Bino: akalain mong 6 months na tayo??

Bogart: Huh?! anong sinasabi mo? baka isipin ng mga mambabasa natin na mga magjowa tayo. hehe

Bino: hindi, ang ibig kong sabihin, 6 months na pala tayo nung magsimala tayong makaisip na magsama sa blog.

Bogart: ah oo, syempre. at napansin mo naman na mabilis ang naging pagsikat ng blog nating to dahil sa mga kalokohan natin sa buhay.

Bino: kung minsan nga naiinggit ako dito sa blog natin dahil mas nuana pang sumikat ito kesa sa mga individual blogs natin na nauna nating nagawa eh.

Bogart: waha pareng bino, palagay ko kailangan mong mag pa bangs na.

Bino: bakit naman?

Bogart: ang emo mo eh., wahaha

Binobogart: anyway, 6 months na nga ang nag daan., at may 15 ns followers na kami. ang saya ng ganito. sumisikat kami ng napapahiya kami. whaheheh.

Bino: isipin mo, nun simulan natin ito, hindi tayo sigurado kung magmumuka tayong korni sa mga tao. pero tinry natin. heheh!

Bogart: at bukod sa 15 followers natin. may madami-dami nadin tayong readers.

BiNo: oo nga eh., kaya po sa mga masugid naming mambabasa, sana patuloy nyo lang po na itangkilik ang blog namin.

Bogart: at ipagpapatuloy din namin ang pagpapasaya sa inyo.

Binobogart: hahah! masayang pagbabasa sa lahat!!!

Wednesday, July 15, 2009

kambal-kambal na katuwaan.

Binobogart: limang buwan na nung magsimula kami mag sama sa blog na to.,
at iba-ibang karakter na ang naikabit s aamin ng iba't ibang tao.

Bino: anjan sila B1 at B2, ang momoy palaboys, maverick anf ariel, at kung sinu-sino pa.

Bogart: ngunit hindi namin maikakaiala na isa este tatlo sila sa mga naging inspirasyon namin sa pag post namin sa sa blog na ito.

Bino: avid fan din kami ng mga naturang karakter na iyan.,
ngunit gusto lang po namin na ilinaw na hindi po namin sila ginagaya.

Bogart: maaring may onting pagkakapareho lang po.

Bino: na katulad ng mga tae natin, nanggaling man sa iba-ibang pwet, may pagkaka-hawig din.
hahah!

B1 at B2

Bino: katulad ng magkambal na yan, nakakapagpost kami ng mga nakakatuwa o wirdong bagay kung pareho namin itong naisip o magkasama kami nang may mangyari sa aming mga wirdong bagay.

Bogart: at ginagawan lang namin na katatawan ang lahat sa pamamagitan ng blog na ito.
naiisip mo ba ang naiisip ko B1

Bino: oo ata B2.

Bogart: haha. parang mga ganun lang. ngunit ang kaibahan lang namin, wala kaming mga kaibigang mga bear. na sinasabi nilang hindi sila mga triplets ngunit magkakamuka naman. magkakaiba lang ng personalidad.

Bino: at hindi din naman kami laging naka pajama dahil boxers ang sinusuot namin. hahah

Maverick and Ariel

Bogart: katulad ng dalawang iyan, gumagawa lamang kami ng iba't-ibang paraan upang mapansin kami sa pamamagitan ng blog.

Bino: Avid fan din naman kami nila maverick and ariel na pawang nagsimula ng kanilang career sa on-air sa channel 5.

Bogart: ngunit ang kaibahan namin sa kanila, hindi namin kayang iharap ang mga muka namin sa tv dahil una sa lahat wala nang on-air ngayon.

Bino: at wala din kaming muka ihaharap sa mga tao.

Bogart: sa dami ba naman ng mga kalokohan na ipinalandakan namin dito sa blog namin,
maglalakas luob pa ba kami na iharap ang mga sarili namin sa buong bayan? wahaha.
pero sinisigurado namin, gwapo din kami kagaya nila.haha!

Bino: at wala din naman kaming mag nagalalakihang dyamante na pantapat sa kanila
dahil ang meron lang kami ay bato na panhilod na isinasabit namin sa aming mga leeg.
para kahit saan man kami magpunta at makiligo, ready kami. wahahah


MOMOY PALABOYZ

Bogart: avid fan din kami ng dalawang ito,

Bino: sa katunayan, hindi pa sila sumisikat sa tv, pinapanuod namin sila sa you-ku.
wahaha japanese version yan ng you-tube kung hindi nyo pa alam.

Bogart: infairness kasi, nakakatuwa din sila.
katulad nila, kaya din nila ipaglandakan sa buong mundo ang kalokohan namin.

Bino: ngunit hindi namin kaya ivideo ang mga iyon, dahil wala kaming pang video.
hahah. kung ayos lang ba sa mga tao yung napaka bagal na cellphone video at putol putol pa, ayos lang.

Bogart: napaka hightek kasi ng pc namin,
hindi pa uso ang mga pensium pensium, pc na to.

Bino: hahah!! at isa pa, hindi din kami gusto ng mga kanta sa mundo.
hindi namin kayang sundan ang mga lyrics ng mga kanta na alam namin.
dahil nung nagpaulan ng dyos ang talent sa pag dub, tulog kami parehong at kapwa nakapayong pa.
hahah!!!


Binobogart: sa pagkakataong ito, kung fan man kayo ng mga iyan, hindi po namin sila nilaait sa post naming ito, pinapakita lang po namin ang kaibahan namin sa kanila.
at uulitin lang po namin,
hindi kami naggagaya, naiinggit lang.
haha! adios..