Bino: kamusta naman ang title na toh., mukang malalait ako dito sa post na to ah?
Bogart: haha hindi naman. ikkwento ko lang sa mga mambabasa natin ang pagigigng huwarang tao mo.
Bino: oh sige, tungkol saan ba ito?
Bogart: kung minsan naawa ako kay bino..
Bino: oh bakit naman?
Bogart: tae, mamaya kana kasi sumingit.. hindi pa ko tapos magkwento..
Bino: wahha. oh, sya sya!
Bogart: sa araw araw na ginawa kasi ng dyos, este sa gabi gabing ginawa ng dyos na nasa bahay si bino at gising sya, lage syang nangangapa sa dilim.
Bino: grabe naman, nagigising din naman ako sa umaga pag off ko. wahahah
Bogart: sa kolsen'er kasi sya nagtatrabaho kaya naman sa gabi sya gising.
yun nga lang, tulog na ang mga tae este mga tao sa kanila.
Bino: at maganda pa nyan hanggang sala, may natutulog sa amin.
Bogart: at kasama nya sa kwarto ang kapatid nya.
kaya naman,
kapag gising sya at nag hahanda na pumasok sa trabaho,
lage at binubuksan nya ang ilaw, lahat ng tao ay nagrereklamo.
pag binuksan nya ang ilaw sa kwarto nila ng kapatid nya
nagagalit ang kapatid nya.
ganun din sa kabilang kwarto na andun ang kuya nya
Bino: grabe naman muka naman akong kawawa sa pagkakakwento mo.
wahaha.
Bogart: ganun naman kasi talaga eh,hehe! pagdating naman sa sala,
andun natutulog ang buong pamilya ng ate nya.
kaya nga malapit nang mainlab itong pare kong ito sa sarili nya dahil gabi gabi syang kumakain ng naka kandila.
na mistulang dinedate nya ang sarili nya.
Bino: hakhak. ang ilaw kasi sa sala sakop na sa dining area namin kaya pinapapatay nila ang ilaw sa akin.
Bogart: at ang katangi-tanging lugar lang sa luob ng bahay nila ang pwedeng magbukas sya ng ilaw eh sa banyo.
Bino: ang katangahan ko pa, nitong huli ko nang naisip na pwede ko naman gamitin ang salamin dun pag nagsusuklay ako at tumingin sa salamin bago pumasok sa trabaho.dati kasi nagtitiis ako dun sa salamin sa sala na wala naman akong nakikita kundi ang anino ko. wahaha
Bogart: try mo nadin na dun nalang kumain.
Bino: whahehe. ang sarap sigurong kumain dun ehnoh? lalo na ng adobo?
Bogart: kung minsan nga umaalis yan ng bahay nila na may toothpaste pa sa labi dahil hindi na nya napapansin na may natitirang toothpaste sa muka nya bgo umalis.
Bino: haha kawawang bata naman talaga ako.
Bogart: pero pasalamat nalang tayo na hanggang ngayon, hindi pa naman sya nabubukolan dahil sa pangangapa nya sa dilim.
Bino: at infairness, nsimula lang nung nakaraang araw, may maliit na ilaw na sa dining area namin. para kahit paano may ilaw na ko tuwing gabi.
Bogart: wahaha. kaya naman, saludo ako dito kay bino eh! wahehe.
Bino: saludo ka ba talaga oh nanlalaet ka lang? hehe. humanda ka sakin, kaw ang susunod na magiging topic natin dito sa blog na to.
Bogart: haha! hintayin ko yan,
Binobogart: Adios!!! :-0
Tungkol sa Amin...
- -binObogart-
- dalawang wirdong tao na mahilig mag blog ang nag sama para sa kanilang wirdong ideya. BINO-BOGART Si Bino-ang tall dark and handsoma na tao. sadyang napaka hirap ihalintulad sa ibang personalidad dahil subok na kakaiba. Si Bogart- kabaliktaran ni Bino pag dating s tangkad. intelektwal na tao., at sadyang mahirap makilanlan. hindi talaga nila masyado alam kung bakit naisip nila ang wirdong ito., gusto lamang nila magkaruon ng malupit na pangalan sa mundo ng blog. katulad ng iba pang mga personalidad. "hindi kami nanggagaya. naiinggit lang"
Maki sali sa usapan dito
Tuesday, July 28, 2009
Ang pangangapa sa dilim ni Bino...
Posted by -binObogart- at 10:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
kawawa naman tong si bino, may suggestion lang ako...bogart bt di mo nlang sa inyo patuluyin si bino,haha tutal mkhang di kayo mpaghiwalay eh,
okay lang yan, at least kung brown-out hindi nya mahahalata.
Siguro naman may flashlight si Bino? kung wala, eh maghuli na lang sya ng alitaptap!heheh
wahaha kawawa naman si bino, buti talaga di pa sya nabubukulan,wahaha Ü
may suggestion ako.. bat di bumili ng mining hat si bino.. ung sumbrero na sinusuot ng mga minero ung may flashlight sa tapat ng nuo..
pwede nmn un db?
mag-alaga ng pet na alitap-tap.. mga dalwang libong alitap-tap.. ahihi
I second de motion kay Hari ng sablay bakit nga di mo na lang sa inyo patulugin bogart saka teka di ba kayo kambal.?
Post a Comment