binobogart: Mas madalas talaga kahit na anong pagod natin, basta may gusto tayong makamit, ayos lang basta makuha lang natin ito.
Bogart: katulad lang namin ni bino, may paborito talaga kaming libro.
naging adik kami sa librong iyon, kahit na mahirap hanapin, gumawa talaga kami ng paraan para lamang makahanap ng kopya nun..
ganito ang nangyari.
Bino: nalaman namin na may bagong publish na libro daw ang paborito naming libro..
panibagong kalokohan,
at panibagong pagkakakitaan.
Bogart: nung malaman namin iyon, naisipan namin hanapin ang librong iyon sa pinaka malapit na national bookstore sa amin.
Bino: sa kasamaang palad, wala padaw sila nun kundi yung nagiisang display lang.
mula sa national bookstore sa quezon city,sa sm north,
pumunta kami sa national bookstore sa megamall.
Bogart: pagdating duon, parehong dahilan.
hindi padaw sa kanila umaabot ang bagong edition nang naturang libro.
halos ayaw na namin umalis ng mall na iy0n, makahana lamang ng kopya ng paborito naming libro.
Bino: kaya naman naghanap kami ng iba pang bookstore sa mega mall.
nagbabakasakaling may mahanap na din kami. kahit isa lang at maghihiraman na lamang kami.
Bogart: nung isang linggo kasi nakakita dito si bino, hindi naman agad binili.
sa napakagandang rason na kulang yung pera ng bente.
hanep diba?
haha.
Bino: umabot nadin kami sa powebooks, booksale, at ultimo expressions pinatos nadin namin.
sa kasamaang palad wala.
Bogart: nagiwan na din kami ng contact info namin sa powerbooks para kung sakaling pagdating na pagdating ng librong iyon sa store nila, kontakin agad nila kami.
mga desperado diba?
Bino: alam namin na nagtataka kayo kung libro ba talaga iyon,
ngunit syempre hindi namin sasabihin.
waha! hindi naman kasi kami bayad ng author para mag advertise nun.
Bogart: ayun nga,back to our peborit book.
pagdating ng mga alas tres, pumunta kami ng cubao.
Bino:para kunin ang paitings ni bogart sa isang art gallery sa cubao.
astig ni bogart noh? pa art gallery art gallery nalang,.
Bogart: haha! pagdating sa cubao, bigla namin naisip na diba may national bookstore dito?
unang pinuntahan namin ang national bookstore sa tabi ng gateway dahil mas malaki iyon kesa na national sa farmers.
Bino: pagdating duon, nagtanong kami sa sales lady. meron ho ba kyong (tutoooooooot) ng libro?
hehe! pasensya na, bawala talaga mag advertise ng libro dito. .
Bogart: sinamahan kami sa isang section ng libro.
wow. maituturing palang PHILIPPINE LITERATURE book ang librong iyon.
Bino: saludo kami sa iyo na author ng libro.
ngunit pagkakita namin, yung lumang edition ang nanduon.
sabi pa ng sales lady, "yung mga linya jan... mejo anu...."
Bino: "anu...?" ang sabi ko..
"mejo anu, alam mu na," ang nahihiyang sabi nya.
Bogart: haha! gusto namin sabihin, alam namin at barkada namin ang author nito.
Bino: kahit hindi.wahaha. anu naman tingin mo sa amin? walang alam sa librong ito.
at mga minors para balaan mo ng ganyan?
Bogart: wahah. bente uno na kami, at pwede nang bumuntis. wahah!
Bino: "alam namin,nabasa na namin ang naunang libro nito. kaya nga yung bagong edition nito ang hinahanap namin. " ang sabi ko.
sabi ni ate conservative epek. " ay wala pa po kami nun..."
Bogart: hay si ate talaga, pwede naman sabihin agad sa amin na wala pa. pinatagal pa.
Bino: nagdesisyon na kami na umalis pagtapos nun,
pagod kami ni bogart kakahanap ng librong iyon.
sayang at wala pa.
hindi bale, aantayin ko nalang iyon sa mega. tutal malapit lang dun ang opis ko.
Bogart: pagdating sa farmers, nakakita kami ng isang national bookstore,
Bino: "napasok naba natin ito?"ang tanong ko kay bogart,
Bogart: "hindi pa, tara?" ang sagot ko naman.
Bino: sobrang desperado na ata ang tawag sa amin. kung may award para sa loyalty award ng libon iyon, gold winner kami. haha
Bogart: at hanggang ngayon, hindi padin namin nababanggit ang title nito.
haha! anu nga ba ang meron dito?
Bino: sabihin na nating parang FHM na ang katumbas namin dito, wahaha.
BIno: ayun nga. si bogart na ang nagtanong dun sa sales lady na may tulak tulak na cart.
"ate, may tuuuuuuuuutooooot ho ba kyong libro" ang sabi ni bogart.
Bogart: tinulungan kami ni ate na maghanap nun sa isang section ng national.
at may isa pang sales lady ang tumulong sa amin.
Bino: sa kakahanap sa librong iyo sa shelves, biglang napatingin ang sales lady na naunang tumulong sa amin sa cart na tulak tulak nya. "Ay!! ito!!"
Bogart: pagtingin namin, hindi namin maipaliwanag ang pagningning ng mga mata namin ni bino nang makita namin ang librong iyon.
Bino: halos magsitalon kami sa tuwa.
at muntik pang yakapin ni bogart si aling sales lady.
Bogart: wahaha! oi hindi naman.
Bino: haha. kaw, makachansing kalang basta babae eh., kahit may edad na. haha!
Bogart: oi, hindi ah..baka isipin nila, manyakis ako. wahah
Binobogarthehe! ayun nga, sa pagbili namin nitong librong ito, labis na lamang ang tuwa namin.
haha! alam namin ang nasaisip nyo ngayon.
anu nga ba ang meron sa librong yon?
haha. alam nyo naman na iyon...
Tungkol sa Amin...
- -binObogart-
- dalawang wirdong tao na mahilig mag blog ang nag sama para sa kanilang wirdong ideya. BINO-BOGART Si Bino-ang tall dark and handsoma na tao. sadyang napaka hirap ihalintulad sa ibang personalidad dahil subok na kakaiba. Si Bogart- kabaliktaran ni Bino pag dating s tangkad. intelektwal na tao., at sadyang mahirap makilanlan. hindi talaga nila masyado alam kung bakit naisip nila ang wirdong ito., gusto lamang nila magkaruon ng malupit na pangalan sa mundo ng blog. katulad ng iba pang mga personalidad. "hindi kami nanggagaya. naiinggit lang"
Maki sali sa usapan dito
Wednesday, August 19, 2009
peborit book
Posted by -binObogart- at 11:09 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
bino... playboy ba yan?
bougart... playboy ba ha?
ahihihihihihi!
may latest edition?
sinong cover page? lolz!
parang alam ko na yang book na yan, hehehe color dark blue ba yung book 1 nyan?hehe pero di ko pa nabasa yun, nahihiya akong bumili eh, hahaha tsaka menor de edad pa ako, haha
Huhulaan ko kung anong klase ng book yan.......uhmmmmmmmm... notebook ba yan?
pambihira naman kayo.. pa-ano ko naman malalaman kung anong libro yan eh bagito ako sa mga ganyan.. ache-che... =)
Post a Comment