Kung minsan, hindi talaga maiiwasan sa magkapatid ang magsapakan, lalo na kung sadyang nabuhay sa mundo ang isa sa kanila na kupal.
Katuald nalang ng nangyari kay Bino.
Nung isang linggo,
sinapak si Bino ng kuya nya...
Pano ko nalaman?
Syempre, nagtext sa akin si bino. At kinuwento nya sa akin ang mga nangyari
Bino: tol, nakwento ko na ba sayo? Sinapak ako ng kuya ko nung isang araw? Hahah! Tae
Bogart: oh, bakit?
Bino: nang dahil sa napaka gandang dahilan, dahil sa dvd player.
Madami kasing nakakabit ng kung anu-anong gadgets kasi sa player namin eh.
Lahat ata ng pwedeng makapagpaganda sa palabas, at sounds ng dvd, ikinakabit ng kuya ko.
Puro pirated naman ang dvd na binibile nya,
Tinanong ko kuya ko kung pano i-on ang isang naka kabit dun.
Ang sabi lang nya, “basta i-plug mo, at i-on mo.”....
masyadong mahaba ang kwento ni bino
haha Batsa ang resulta, nagkamali si bino ng pagbukas ng dvd player. Nagalit ang kuya nyang kupal at sinapak sya..
hahah!
Bogart: hindi ka gumanti?
Bino: hinde..
Bogart: bakit?
Bino: a. hindi ako bayolenteng tao. b. nabigla ako sa pagsapak nya. At c. hindi ko na naisip na gumanti dahil sa sakit ng pagka sapak nya sakin. Haha! Tae.
Bogart: dapat gumanti ka.
Bino: hindi ba pag gumanti ako ngayon, parang late reaction na? Hehe
Bogart: hinde, pag late na, hindi mo naman kelangan sapakin din sya eh, gumanti ka sa ibang paraan. Haha!
Bino: haha! Pano?
Bogart: UNA: IBRUSH MO SA KUKO MO ANG TOOTHBRUSH NYA.
pero siguraduhin mong galing ka sa paglakad sa putikan bago mo gawin yun. Haha!
Tanggal nga ang gingivitis nya, dahil parang hinilod lang ng bato ang ipin nya nun. Hahah!
PANGALAWA: IDELETE ALL ANG CONTACTS NYA SA CELLPHONE
wala na syang laban dun, at laking galit siguro ng kuya mo nun. Haha! Ultimo contact ng mga pina pakyatan ng kuya mo, wala na.
PANGATLO: MAMALANCHA NG BAWAL IPLANCHA
iplancha mo lahat ng breif nya. panigurado, lahat yun luluwag ang garter ng breif nya.
at hindi ka din naman nya masisi dahil bakit mo nga naman ipaplancha breif nya? samantalang pareho lang naman kyong lalaki? haha.
at PANG-APAT luma man, pero epektib padin...
MAGLAGAY NG IPIS SA CLOSET NYA
wahah. saklap na buhay ang mararating nya.
lahat ng damit at under wear nya magbubutas-butas. bawing bawi ka na dun.
wahahha!!! lahat yan, magiging epektib.
kyo, baka may gusto din manghingi ng payo jan. baka may maganda akong maipayo.
wahaha!
ingat kyo palagi..
adios!!!
-BOGART
5 comments:
Hundred years bago ka nag-update ah!
ingat pre
astig!masayang gantihan to.
pero yung astig eh yung sa tutbrash. napanuod ko sa harold&kumar, na hinde sa kuko nya itinuntbrash, kundi sa itlog.
astig yon. wapak na fresh breath, daig pa mint.
ambad mo kuya bogart!
sabihin mo kay bino kunin nya lahat ng paboritong gamit ng kuya nya at sirain at ibalik na parang di sira para sarili ng kuya nya ang masisisi o kaya ung ibang tao,wahaha
may choices pa bakit di gumanti. haha
pipiliin ko jan, burahin ang contacts sa fone. wahaha!
nyahaha merun akong ginawa dati sa kuya ko kasi sinira n'ya yung drawing ko....
naglagay ako ng purong kalamansi sa isang bote ng fit n right..
siguro alam nyu na nagyari :)
well bati naman kami ng kapatid ko at super close :)) wahaha
Post a Comment