CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS

Tungkol sa Amin...

My photo
dalawang wirdong tao na mahilig mag blog ang nag sama para sa kanilang wirdong ideya. BINO-BOGART Si Bino-ang tall dark and handsoma na tao. sadyang napaka hirap ihalintulad sa ibang personalidad dahil subok na kakaiba. Si Bogart- kabaliktaran ni Bino pag dating s tangkad. intelektwal na tao., at sadyang mahirap makilanlan. hindi talaga nila masyado alam kung bakit naisip nila ang wirdong ito., gusto lamang nila magkaruon ng malupit na pangalan sa mundo ng blog. katulad ng iba pang mga personalidad. "hindi kami nanggagaya. naiinggit lang"

Maki sali sa usapan dito


ShoutMix chat widget

Friday, December 4, 2009

Ayaw nila sa cellphone ko..


binobogart: pasko na naman,,
lumalamig na ang simoy ng hangin...

Bino: nagkalat nadin ang mga parol sa mga palengke,
Bogart: pati nadin ang mga mandurukot at holdaper.

Bino: nako, totoo yan, dapat talaga, ingat ingat lang sa byahe,
Bogart: lalo na ung sa mga alanganing oras ka nag papalaboy laboy sa daan.

Bino: nalala mo ba yung kinuwento ko syo dati?
Bogart: alin dun?
Bino:yung naholdap yung buong jeep na sinakyan ko..
Bogart:hindi na eh.

Bino:college tyo nun, december. madaming ginagawang kung anu-anong mga kaekekan,
kasama nadin dun ang parol making contest per department,
at mga kupal na mga feasibility studies na mistulang pasadyang isinasabay ng mga prof sa mga extra curricular activities..

pauwi ako, wala nang natirang pera sa bulsa kundi ang bente pesos ko, na mukang kailangang ipaabot ko pa kinabukasan para ipambaon ko..

mga alas nuebe na ata nun. pang gabi kasi ang sked ko.
normal naman ang takbo ng byahe,
mejo trapik lang sa bandang espanya.
ano nga naman bago sa espanya, lagi naman trapik dun.
lalo na byernes pa.

habang sa kalagitnaan ng byahe,
nasa bandang quezon avenue na kami,
biglang nalang nagsalita yung katabi kong mama.na parang kanina pang hindi mapakali.
ewan ko, natatakot din sya siguro sa ginagawa nya.
na baka kasi nagkamali sya ng jeep ng sinakyan. at wala syang mapala sa amin.

"holdap toh?! akin na mga cellphone nyo" may hawak pa syang baril..
hindi ko din maaninagan kung totoo yun, o fake,
pero infairness, epektib ang pananakot nya.
may kasama pala syang dalawang mama sa dulo,
nakahrang sa pinto.
ang mga tao, takot na takot habang inaabot nila ang mga cellphone nilang decamera,
3G, colored, mga cellphone na malalaki, may mga video, at halatang mga mamahalin.

busyng busy din naman si kuya sa pagkuha ng mga cellphone nila.
ako, inaabot ko na kay kuya ng buong puso ang cellphone kong nokia 3315.
hindi nya pinapansin.
pinangkalabit ko pa sakanya ang cellphone ko,
aba't ayaw padin pansinin?!
sabi ko sa isip ko, (ah, ayaw mo ah? sabay tago ng celphone ko sa bulsa ko)
pagtapos nya kunin ang lahat ng mga naggagandahang cellphone ng mga kasama ko sa jeep,

sabi naman nya,
"ang mga pera naman, akin na lahat ng pera nyo!!!"

ang mga tao, binigay na ang buong wallet.
hindi uso sa akin ang wallet nuon,
ang coin purse ko, naiwan ko pa sa bahay,
kaya naman ang natitira kong bente sa bulsa, inabot ko na.
abah?!si kuya manong, dinededma din ang yaman kong bente?
hindi nya alam, nakakabuhay ng tao kya ang bente.
kung sabagay kasi, bulok na din yung ichura ng bente ko,
naisama kasi sa labahan ni mama yun.

at dahil hindi nya pinapansin ang bente ko, itinago ko nalang.

Bogart: wahahaha muka kana kasing gusgusin nung college tayo.
iniisip siguro ni manong na pareho lang kyo ng trabaho, mas mayaman lang sya sa weapon,

Bino: tae, ininsulto ang 3315 ko, bago lang naman ang housing ko nun.
Bogart: yun ba yung housing mong isang araw mo palang nabibili, nalaglag mo agad?
at natanggal ang screen cover?
Bino: oo. hehe. maganda naman ang kulay eh.

Bogart: haha! naawa syo si kuya. baka nga bigyan ka pa nun ng bago.

3 comments:

Superjaid said...

haha edi kaw lang ang hindi nawalan ng gamit at pera sa mga pasahero..hahaha ang swerte mo naman kuya..hehehe

Jera said...

Kuya...bwahahaha..kilala kita,lapag moh lang yang 3315 nah cellphone moh sa internet shop namin wala pang 5mins wala nah yan parang magic!hehe..

Jag said...

Nawalan ako ng cellphone hindi sa ninakaw o inagaw kundi sa katangahan ko whahaha...

Pasko na nga nagkalat na din ang mga loko-loko kaya iabayong ingat lng tayong lahat!

Meri Xmas!