CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS

Tungkol sa Amin...

My photo
dalawang wirdong tao na mahilig mag blog ang nag sama para sa kanilang wirdong ideya. BINO-BOGART Si Bino-ang tall dark and handsoma na tao. sadyang napaka hirap ihalintulad sa ibang personalidad dahil subok na kakaiba. Si Bogart- kabaliktaran ni Bino pag dating s tangkad. intelektwal na tao., at sadyang mahirap makilanlan. hindi talaga nila masyado alam kung bakit naisip nila ang wirdong ito., gusto lamang nila magkaruon ng malupit na pangalan sa mundo ng blog. katulad ng iba pang mga personalidad. "hindi kami nanggagaya. naiinggit lang"

Maki sali sa usapan dito


ShoutMix chat widget

Tuesday, April 28, 2009

JapeYk PALA...

Binobogart: sa pagdami ng mambabasa namin, may wirdung bagay nanaman ang pumasok sa utak namin…

Bino: hindi naming alam kung bakit naming naisip ang mga bagay na ito, ngunit bigla na lamang naming napagusapan kagabi.

Bogart: paano kaya kung ang bino at bogart na nakilala nyo ay hindi pala katulad ng nasa pitsur sa itaas?

Bino: paano kung hindi pala talaga kami mga binatang kalalakihan… at iba talaga ang pagkato naming na nagpapanggap lamang para sumikat.


Binobogart: paano kung ganito kami…


Dalawang under age na mga kalalakihan na mahilig mag explore ng curiosity.


Bino: na sa bawat internet namin at pagbblog, ay may isang tab kaming naka open at nanunuod ng porn videos habang nag iisip ng mga bagay na mapopost..

Bogart: na ginagawa lamang naming front ang blog sa bawat pag daan ng magulang naming kanina pa kami sinisilip kung anung ginagawa naming…


Dalawang kikay na kolehiyala


Bogart: dalawang kikay na kolehiyala kaming habang gumagawa ng entry sa blog ay nag ppluck ng kilay habang kinukulutan ng buhok ni Bino.

Bino: na ginawa lamang namin pala itong blog na to para gayahin ang mga kapwa boylet naming sa kanilang kawirduhan. Para ipag sigawan sa mundo na may boy pren kaming mga abnoy…


Dalawang late 20’s na kababaihan na nasa peek ng identity problem.


Bino: malay nga naman pala natin na binuo pala naming ang blog na to para maisip ang sarili naming as lalaki. Hindi nagsesexyhang kababaihan.

Bogart: finofront naming ang blog na to para makatulong sa amin kung mga tomblaks kami o hindi.wahehe.


Dalawang matandang nag second childhood.


Bogart: Si lolo, gustong alalahanin ang mga bagay nung mga kabataan nila, kaya ginawa itong blog na to.

Bino: ang malupit pa nyan. Habang nag gagawa ng post entry sina lolo, iniimagine nilang isina sayaw nila ang dating hot star na si Silvia Sanchez… haha! Punong puno ng pag reminisce ang blog na to…


Binobogart: ano kayang magiging reaksyon nila kungisa pala sa mga yan eh ang totoong binobogart?

Bino: hintayin na lamang natin ang mga reaksyon nila sa post nating ito..

Bogart: oo nga naman, Haha! Salamat sa lahat, adios…


Monday, April 27, 2009

mga nakisali sa usapan...

binobogart: sa mga nagdaang araw, dumarami ang mga bumibisita sa amin..
bino: ngunit ang maganda dun yung mga bumisita sa amin., may magandang konek sa amin
bogart: na hindi namin inaasahan na dumalaw sila dito...
Binobogart: eto ang iilan sa mga bloggers na lubos na tumatak sa amin.

HARI ng SABLAY
bogart: ang pinaka masugid naming mambabasa.
Bino: palagay ko, isa kami sa mga bagay na kinasasablayan nya.. hehe.

CHOKNAT
Bino: ito naman ang pinaka madalas dumalaw sa blog namin.
Bogart: sya din ang kukumpleto sa future na samahang BINOBOGNAT.

SILIP
Bogart: ang blogger na paborito naming gawing wash atea ng mga kababaihan.
Bino: favor hobby namin. hehe!

POPE
Bino: pati pala ang santo papa, nahuhumaling sa amin,..
Bogart: sya ang blogger na nagpapakonsensya sa amin para panatilihing wholesome ito...

LIONHEART
Bogart: ang blogger na mahilig sa adventure...
Bino: sya ang blogger na kinatatakutan namin, lagi syang nagyayaya ng adventure. nakakatakot. hehe!

KLItorika
Bino: ang paborito kong subject na gusto kong matupaad sa future.
Bogart: kahit grad na kami, mageenroll kami pag may ganyang subject. hehe.

FJORDZ
Bogart: ang pinaka mahirap na pangalan na aming nabasa...
Bino: hanggang nagyon, nagtatalo pa din kami kung pano namin ito babasahin, kung pajong ba o pijorge..hehe!

Binobogart:iilan lang yan sa mga blogger na tumatak sa amin, dahil sa madalas na pagdalaw nila.. kaya kayo, dalas dalasan nyo ang pag dalaw.. hehe!
salamat sa inyo,

adios!!!

Friday, April 24, 2009

ASENSADO NA!!

Binobogart: sa mga panahong ito, kaming dalwa ay lubos na nagagalak na nararamdaman na namin unti-unti ang aming pagsikat.

Bogart: na sa una ay hindi naming inakala na matutupad pala ang pangarap namin.

Bino: na sa tuwing nag uupadate kami n aming blog, kaming dalawa lang ang laging naguusap duon sa shout box namin nuon.

Bogart: at sa tuwing pagbalik namin muli sa blog naming ito, ay yung mga mensahe lang padin namin sa isa’t-isa ang syang nakapost.

Bino: pero kita nyo naman, sa ngayon, kapansin pansin na ang pagdami ng mga tumatangkilik ng ka-abnoyan namin.

Bogart: kalain mong patok pala sa masa ang mga pinag gagawa nating mga kalokohan na halos wala naman magandang maidudulot sa kanila kundi ang malaman na pinanganak pala tayong abnoy,

Bino: na masasabi din nating walang maidudulot din sa atin na maganda kundi ang mapahiya tayo sa bawat kalokohan at kawindangang nangyayari sa atin..

Bogart: naalala ko pa nung mga panahong proud tayong mag add ng followers widget, pero 0 followers naman ang nakalagay.

Bino: kalain mong lima na pala sila nagyon?

Bogart: si fjordz ang nanguna sa listahan namin jan…

Bino: naawa siguro sya nung mga panahong nakita nyang wala kaming followers, kaya finollow nya kami.

Bogart: ilang bwan sya naging loner sa follower box namin, bago sya masamahan ng iba pa. kawawa nga sya nun eh, kung maari lang na ifollow namin ang sarili namin upang magkaruon lang sya ng kasama, finollow na namin ang mga sarili namin.

Bino: tig isa pa kami ng bogart.

Bogart: nagyon asensado na kami… may blog log na din kami, gaya ng ibang mga bloggers na sikat!!

Bino: kailangan namin yun, nainggit kasi kami sa iba pang mga blogger dahil meron sila nun eh, nahiya din naman kami mag lagay agad nung una dahil walang kwenta pa ang blog namin nung mga panahong iyon.,

Bogart: aba ngayon, kailan lang namin nailagay yan, may lima na agad na muka ang tila top most wanted ng iphone namin.

Bino: muka kasi syang iphone na widget, kulang na lamang, SMS services.

Bogart: hindi namin alam kung para saan talaga yan eh, bukod sa para magpayabang na madami nang dumalaw ditto sa blog namin, wala na kaming purpose jan…

Bino: haha! Pasensya na sa yahoo blog log.

Bogart: nakakatuwa din na yung iba, kahit hindi nila kami finofollow, nailalagay padin nila ang blog namin sa kanilang blog roll.

Bino: kahit bilang pan display lang, ay na-o-overwhelm kami. Dahil kahit papano, na babahidan kami ng kanilang kasikatan.


Binobogart: kaya naman, nagpapasalamat kami sa inyong madalas na pag balik-balik dito. Balik balik lang kayo, kung sa tingin nyo ay NATUWA kayo sa blog namin, pwede nyo kaming iFOLLOW. Pwede nyo din naman salihan ang blog roll namin,

Bino: wahehe, dumiskarte lang para sumikat lalo…

Bogart: haha! Syempre, o kaya naman, kumoment lang ng kumoment.

Binobogart:salamat sa inyo, asahan nyo na magiging Masaya pa lalo ang mga ipo-post namin…

Thursday, April 23, 2009

i-boto mo, i-patrol ko


binobogart: nakita nyo ba ang pitsur na yan? ganda diba?

bino: alam naming may imahe kami ng pagiging habulin ng chikas...
bogart: ngunit sa pagkakataong ito, yang batang yan, tropa namin yan...
bino: magaganda at mga gwapo kasi ang lahi ng mga barkada namin.
bogart: mga pang image model ang dating. katulad na lamang ng mga litrato namin sa taas...
bino: madaminig contestant ang kasali. pero mga napaganda ng HBC, at artisata salon lang.
bogart: yung mga iba, halatang PATOK SA MASA lang.. kaya madaming nagvote.
bino: o kaya naman, sadyang madaming emial accounts silang ginawa...

binobogart: hindi ka talagang maniniwalang top voters ang iba.
tignan nyo maigi ang mukang yan...

kung sa tingin nyo, sya ang tinatawag na kagandahan,
i-click nyo lang sya dito....

tapos, i-click mo, ang VOTE ME.

salamat

Tuesday, April 21, 2009

batang tiki-tiki

bogart: si binot, bata palang yan napatunayan na nya ang pagiging matalino nya...
sa mga simpleng pag uusap lang nila ng mga ka pamilya nya...
ang sumusunod ay nag papatunay nito..
dalawang taon palang sya nito

mommybino: bogart, sama ka ba kay mommy?
bino: hama...
mommybino: anong hama? sama!
bino: hama...
mommybino: ulitin mo sasabihin ni mommy ah... Sa...
binot: sa...
mommybino: ma!
bino: ma.
mommybino: sa-ma!
bino: sa...ma!
mommybino: very good, oh ulitin ko ah, sama ka ba kay mommy bogart?

bino:OPO..

Bino: hahaa! si bogart din matalino yan lalo na nung mga 2yrs.old lang din...

Mommybogart: baby, sino love ni mommy?
bogart: ogart
mommybogart: anong ogart, bogart! sige gayahin mo si mommy... bo...
bogart: bo...
mommybogart: gart!
bogart: gart!
mommybogart:bogart
bogart: bogart!
mommybogart: sino love ni mommy?

Bogart: AKO...

wahaha! lupit batang tiki-tiki!!!!

Friday, April 17, 2009

seryoso muna


binobogart: ang paborito naming chokoleyt, nag bblog na pala.
kalain mong marunong mag computer ang isang simpleng chokoleyt? hehe.
iniimbayt kami na sumalli daw
International Bloggers Community.
eh syempre dahil mabait kami, at pala kaibigang mga nilalang sa mundo, pinag bigyan namin...

Bino: pero, may rules, kailangan pa natin ipost to, at mang imbayt ng 7 blogger.
Bogart: maeffort pa pala to., pero ayos lang.
Bino: kailangan natin to, para matupad na pangarap nating sumikat...
Bogart: ay, onga..

Binobogart:
International Bloggers Community

Rules:

1. Link the person who tagged you.
2. Copy the image above, the rules and the questionnaire in this post.
3. Post this in one or all of your blogs.
4. Answer the four questions following these Rules.
5. Recruit at least seven (7) friends on your Blog Roll by sharing this with them.
6. Come back to BLoGGiSTa iNFo CoRNeR (PLEASE DO NOT CHANGE THIS LINK) at http://bloggistame.blogspot.com and leave the URL of your Post in order for you/your Blog to be added to the Master List.
7. Have Fun!

Questions & Your Answers:
1. The person who tagged you: Choknat
2. His/her site's title and url: highway 22 http://22nds.blogspot.com/
3. Date when you were tagged: April 15, 2009
4. Persons you tagged:
4.1 fjordz
4.2 TOPSY-kretts
4.3 philippines showbiz news
4.4 silip
4.5 lion heart
4.6 bulagspot
4.7 klitorika

Tuesday, April 14, 2009

BOI iskawt

Binobogart: nag plano ang barkada nyo na mag outing, sa isang prestige resort-swimming! At ang lahat ay sobrang excited. Maliban sa isa.

IKAW.

Hindi excitement ang nararamdaman mo, ngunit takot, sa kadahilanang hindi ka marunong lumangoy, at baka ma OP ka lang sa darating na outing.

Bino: alangan naman magpaiwan ka.

Bogart: hwag ka nang mag alala, ang kailangan mo lang ay maging isang Boi iskawt.

Bino: maging kuya kim ka kahit itong summer lang. at ang buhay mo ay sasaya.

Bogart: ang jologs mo naman, mag sswimming ka nang naka camping attire?

Bino: at boots. Hehe..

Binobogart: dahil bibigyan naming kayo ng check list ng kailangan nyong dalhin para hindi kayo masyadong ma OP habang nag eenjoi mag swimming ang mga kasama mo…

Bakpak na malaki.

Binobogart: sa isang taong nanganganib ang buhay sa isang malupit na outing, kailangan magdala ng gadgets para sa ika sasaya ng buhay mo.

Kaya kailangan mong magdala ng mejo malaki-laking bakpak sa mga dadalhin mong pang enjoy mo.

Labhan mo na ang amoy cabinet mong jangsport(fake na jansport) at iprepare.


Swimming pampogi

Bino: syempre, kahit sabihin mo pang syento porsyento kang hindi mag sswim, kailangan mo pa ding mag dala ng pang swimming mo. Swimming ang punta nyo. Hindi camping.

Gusto mo bang malaman ng buong mundo na nagpunta ka dun at hindi ka marunong lumangoy? Or worse, na takot ka pala sa tubig?

Kaya wag ka nang mahiya, kunin mo na sa cabinet mo ang bulaklakin mong shorts o kaya yung yellow mong shorts na may smilies sa gitna at ilagay mo na sa jangsport mo.


Bogart: hwag mo ding kakalimutan ang slippers mo. Ang HAVANA mong binili mo nung isang araw sa divisoria. Kesa naman magtapak ka dun. Jahe sa mga chiks kung habang naglalakad ka at rumarampang modelo kuno, tas bigla ka lang madudulas.

Ayaw mo naman sigurong maging worst vacation mo ang summer 2009.

Bino: oo, nga pala, dalhin mo din ang artista shades mong maluwag ang turnulyo na napulot mo sa jeep isang araw nang papunta ka ng divisoria. Dagdag fashion statement dn yan!!!


Life vest

Bogart: hindi mo nababasa ang takbo ng utak ng mga kasama mo sa outing.

Mabuti nang handa ka, baka kasi habang pumapalakpak ka sa gilid ng pool at tuwang tuwa sa kapapanuod sa mga kasama mong nag eenjoy mag dive, ay biglang may magtulak sa iyo sa pool.

Bino: Kawawa ka naman, mabuti sana kung ang hot chik na kanina mo pa pina pacute-tan ang mag mmouth-to-mouth sa iyo.

Bogart: Eh pano kung ang barkada mong lalaki na katulad ni bino ang mag mouth-to-mouth sa iyo? Kadiri diba?

Bino: oh, bat nadamay naman ako? At wala kong balak i-mouth-to-mouth ka.

Haha!

Bogart: bino, hayaan mong maging isang maganda kang ehemplo sa mga mambabasa natin.

Madaming madaming pag kain

Bino: walng tao ang gusto mag pakasaya ng gutom.

Kaya naman, magdala ka ng madaming pagkain. Para nadin lapitan ka kahit pano ng mga kasama mo sa lamesa sa gilid ng pool…

Bogart: eh pano kung inutusan kang mag abot ng pagkain sa kanila?

Bino:May iba, habang naka lubog sa tubig, uutusan kang mag abot ng pagkain sa kanila.

Hwag kang papayag.

Sa halip, bigyan mo lang sila ng tubig.

Hayaan mo silang mag sawa sa tubig,upang banding huli, lalapit na sila sa iyo,

At hindi ka nila i-OOP

Hitek na cam

Bogart: mag dala ka ng cam, walang tao ang may gustong pumunta ng isang masayang outing na walang souvenir.

Bino: lahat, gusto may memorabilia sa nagdaang masayang samahan.

Bogart: kaya para lapitan ka ng mga kasama mo, mag picture picture ka kuno sa tabi ng pool, mag isa..
Hwag mo silang kukunan na sila lang hanngat hindi sila umaahon sa pool,
Para hindi ka nila gawing photographer ng outing.

Bino: hindi mo naman siguro gugustohing na ang lahat ng picture eh ikaw ang kumuha at wala ka sa lahat ng picture.

Posporo, gas, at mga kahoy

Bino: hindi naging epektib ang mga pagkain at camera sa mga tropa, at abot langit padin ang ingot mo sa kanila.

Bogart: feeling OP ka pa din dahil sobrang nageenjoy ang mga barkada sa pag tampisaw sa tubig.

Bino: kaya naman, ipinapayo naming sa iyo na magsiga ka nalang sa gilid at mag mokmok.

Bogart: malamang sa malamang, pag nagpaka emote ka sa isang gilid, lalapitan ka ng lahat at makiki simpatya.


Bino: yun ngalang, pati yung security ng resort, lalapit din sa iyo, hindi para samahan ka sa pag mokmok, dahil ipapatapon ka na nya sa labas.


Binobogart: haha! Masayang bakasyon para sa lahat!!!!!





Sunday, April 12, 2009

tulong...

matagal na naming gustong gawin ito...

naiinggit kasi kami sa icon na nasa itaas na katabi ng url ng ibang blogger...

na imbes na blogger logo, eh pitsur namin ang nakalagay...

sa magtuturo, i ffeature namin ang blog.

tulong naman sa marunong...

paturo naman sa amin oh.,

hehe...

please.. salamat

Monday, April 6, 2009

HEALTHY TIPS: Save some sanity.

We know a lot of you have been trying every trick in the book to be that healthy, macho guy all chicks drool over for. But instead of merely investing in your physical health, why not in your mental health too? A recent survey on mental health stated that mental illness is second only to cardiovascular diseases as a cause of lost years of a healthy life. So here are some things you can do to keep the brain on track.


Be communicative. Express your feelings in non-threatening, non-combative way to significant people in your life. Don’t wait for the pressure to build and then blow your top. Catch anger before it consumes you. You don’t wanna end up mooning everyone, including your crush, at the office when things get out hard.

Find time for yourself, alone, everyday and meditate. For one, you can transform cleaning your toilet to Zen-like experience. We found nirvana midway through brushing the pipes under the sink.

Don’t try and keep up with the joneses. Seeking material things is alright unless it becomes an obsession. Besides, you that money can’t buy happiness. Unless you definition of happiness is a Bentley GT, then let’s go over the plan for a heist all over again, some place, some time.

Build a network of trusted friends- and that doesn’t include your Heidi Klum pin-up.

Avoid unhealthy relationships and make you feel blue or inadequate. No matter what the price, get out of this situation and it’ll take a load of stress off of you.

Do some physical activity every day, whether it’s washing the car, walking or working out. Anything that will make you excrete those endorphins is good to keep that smile on you, buddy.

Share life with someone you love. Yes, we all need a little lovin’ let’s just put it that way.

Be true to yourself. We know it’s a bit cliché, but it works wonders. Even if you ask the ladies, they’ll tell you that they don’t want some guy trying to be someone he’s not.

Just keep in mind, investing physical health is not just good enough.

GANUN DIN YON…

binobogart: expresyon na ng mga pilipino ang mga salitang "ganun din yon..." lalo na kapag nagkakamali sila sa mga sinasab nila at ayaw na lamang mapahiya.
nakakahiya man, kami man ay biktima ng mga salitang iyon...

halimbawa na lang ang mga sumusunod...

ang unang eksena ay pinamagatang:

Earth hour…

Bogart: (nanunuod ng tv) Bino, mamayang 8:30pm, earth hour na…

Bino: oh, anu namang meron dun?

Bogart: kailangan nating patayin ang lights natin para sa anti-global warming campaign.

Bino: ang init- init ng panahon magpapatay tayo ng kuryente. Wag na…saka hindi naman lahat susunod eh.,

Bogart: bino, ilaw lang ang papatayin, hindi kuryente.

Bino: ilaw… kuryente… ganun din yon!

Bogart: anung ganun din yon, magkaiba yun!

Bino: pag pinatay mo ang kuryente, mamatay din ang ilaw ah?


-=whoa! Sakit sa ulo mo Bino=-


ang pangalawang eksena ay tinawag naming:

Para sa pamilya ko


Bino at bogart nanunuod ng TV.


Bogart: Bino, parang gusto ko sumali jan sa taktak mo…

Bino: ehdi pumila ka… diba may pila pila ata jan eh…

Bogart: oo. Tama, icheer mo ako ah?

Bino sure! Dapat ngayon palang magpraktis ka na…

Bogart: oh sige.,

(tumayo si bogart at sumayaw ng taktak mo)

Bino: kunwari ako ang host…

Bogar bakit mo gustong tumaktak?

Bogart: wahu, para sa pamilya ko!!!

Bino: teka, ang tanong ko, bakit.. hindi para kanino…

Bogart: Ganun din yon!!!

Bino: magkaiba kaya ang bakit at para kanino.,

Bogart: pag sinabi kong para makabili ako ng tv, magtatanong pa sya ng para kanino., so hahaba lang. kaya ganun na din yon…


-=whoa! Isa ka pa bogart=-



The thank you issue

kung minsan talaga magulo kami mag usap..

hindi namin sinasadya,

walang halong pagkukunwari.

sadyang utak bugok lang talaga kami kung minsan..

halimbawa nalang ito:


Bino: Bogart dude, thanks for the free meal a while ago ah? Grabe, gutom talaga ako dahil jan sa pinuntahan nating seminar… wala naman palang free meal.

Bogart: haha. Yon lang ba pinunta mo? Free meal. He he. Anyway, wala yon pare.You’re welcome. Don’t mention it.

Bino: ah don’t mention what?

Bogart: thank you.

Bino: no pare, you’re welcome, don’t mention it.

Bogart: Don’t mention what?

Bino: thank you.

Bogart: you’re welcome pare, don’t mention it.

Bino: don’t mention what??


-=whoa=-

TaMPURUROTS...

isang araw, si bino at bogart ay nagkatampuhan...
hindi kami nag uusap dahil nagpapataasan ng pride.
ang unang magsalita, talo.

Si bogart, kelangan gumising ng maaga kasi may flight sya papuntang cebu.

ayaw nyang kausapin si BINO kasi matatalo sya kaya nagsulat sya sa isang pirasong papel at dinikit ito sa ref.

"pakigising ako 5am., paki katok nalang ako sa kwarto. salamat."-bogart

kinabukasan nagising si bogart ng 8am.

galit na galit sya.,
kakausapin na nya sana si bino nang mapansin nya ang sulat na nakadikit sa pinto nya..


"gising na bogart, 5am na...
baka malate ka sa flight mo.."-bino.


Wednesday, April 1, 2009

under construction

oh siya, aminin na namin...
ang lay out namin ay hindi pa talaga maayos..
under construction pa kasi ito.

hindi ko alam kung paano din namin magagawang maayos ito dahil sa napaka hectic na sked namin.
mabuti nga nagawan pa namin kahit papano ng header.
yang header nayan mabilisan na pag gawa lang din.
si bogart naman puro out of town
kaya naman bihira namin maayos ito..

hindi bale,
bibigyan namin ng mahaba-habang oras ang blog na to sa susunod na mga araw...
mga 24 hours na pag aayos at puro pag post lang.
walang tayuan sa pc,
at walang ihi-an.
pero pag nakaramdam ako ng tawag ng bomba,
wala nang pwedeng pumigil sa amin.,
yun lang ang makaka pag patayo sa amin..

pasensya na po.,
under construction pa...