binobogart: expresyon na ng mga pilipino ang mga salitang "ganun din yon..." lalo na kapag nagkakamali sila sa mga sinasab nila at ayaw na lamang mapahiya.
nakakahiya man, kami man ay biktima ng mga salitang iyon...
halimbawa na lang ang mga sumusunod...
ang unang eksena ay pinamagatang:
Earth hour…
Bogart: (nanunuod ng tv) Bino, mamayang 8:30pm, earth hour na…
Bino: oh, anu namang meron dun?
Bogart: kailangan nating patayin ang lights natin para sa anti-global warming campaign.
Bino: ang init- init ng panahon magpapatay tayo ng kuryente. Wag na…saka hindi naman lahat susunod eh.,
Bogart: bino, ilaw lang ang papatayin, hindi kuryente.
Bino: ilaw… kuryente… ganun din yon!
Bogart: anung ganun din yon, magkaiba yun!
Bino: pag pinatay mo ang kuryente, mamatay din ang ilaw ah?
-=whoa! Sakit sa ulo mo Bino=-
Para sa pamilya ko
Bino at bogart nanunuod ng TV.
Bogart: Bino, parang gusto ko sumali jan sa taktak mo…
Bino: ehdi pumila ka… diba may pila pila ata jan eh…
Bogart: oo. Tama, icheer mo ako ah?
Bino sure! Dapat ngayon palang magpraktis ka na…
Bogart: oh sige.,
(tumayo si bogart at sumayaw ng taktak mo)
Bino: kunwari ako ang host…
Bogar bakit mo gustong tumaktak?
Bogart: wahu, para sa pamilya ko!!!
Bino: teka, ang tanong ko, bakit.. hindi para kanino…
Bogart: Ganun din yon!!!
Bino: magkaiba kaya ang bakit at para kanino.,
Bogart: pag sinabi kong para makabili ako ng tv, magtatanong pa sya ng para kanino., so hahaba lang. kaya ganun na din yon…
-=whoa! Isa ka pa bogart=-
0 comments:
Post a Comment