Tungkol sa Amin...
- -binObogart-
- dalawang wirdong tao na mahilig mag blog ang nag sama para sa kanilang wirdong ideya. BINO-BOGART Si Bino-ang tall dark and handsoma na tao. sadyang napaka hirap ihalintulad sa ibang personalidad dahil subok na kakaiba. Si Bogart- kabaliktaran ni Bino pag dating s tangkad. intelektwal na tao., at sadyang mahirap makilanlan. hindi talaga nila masyado alam kung bakit naisip nila ang wirdong ito., gusto lamang nila magkaruon ng malupit na pangalan sa mundo ng blog. katulad ng iba pang mga personalidad. "hindi kami nanggagaya. naiinggit lang"
Maki sali sa usapan dito
Saturday, December 26, 2009
Sunday, December 6, 2009
gutom ka ba?
binobogart: ikaw ba ay gutom, at walang makainan?
Bino: o di kaya'y nagsasawa na sa mga normal na foodchain mong kinakainan.
Bogart: gusto mo ba ng bagong panlasa?
Bino: na paniguradong ikaw ay masisiyahan, at swak na swak sa budget...
BINOBOGART: ipinakikilala namin sa inyo, ang...
BINOBOGART: MAPAPAMURA KANA, MAPAPA "AHHHHH!" kapa sa sarap.. wahaha
Posted by -binObogart- at 1:43 PM 1 comments
Friday, December 4, 2009
Ayaw nila sa cellphone ko..
binobogart: pasko na naman,,
lumalamig na ang simoy ng hangin...
Bino: nagkalat nadin ang mga parol sa mga palengke,
Bogart: pati nadin ang mga mandurukot at holdaper.
Bino: nako, totoo yan, dapat talaga, ingat ingat lang sa byahe,
Bogart: lalo na ung sa mga alanganing oras ka nag papalaboy laboy sa daan.
Bino: nalala mo ba yung kinuwento ko syo dati?
Bogart: alin dun?
Bino:yung naholdap yung buong jeep na sinakyan ko..
Bogart:hindi na eh.
Bino:college tyo nun, december. madaming ginagawang kung anu-anong mga kaekekan,
kasama nadin dun ang parol making contest per department,
at mga kupal na mga feasibility studies na mistulang pasadyang isinasabay ng mga prof sa mga extra curricular activities..
pauwi ako, wala nang natirang pera sa bulsa kundi ang bente pesos ko, na mukang kailangang ipaabot ko pa kinabukasan para ipambaon ko..
mga alas nuebe na ata nun. pang gabi kasi ang sked ko.
normal naman ang takbo ng byahe,
mejo trapik lang sa bandang espanya.
ano nga naman bago sa espanya, lagi naman trapik dun.
lalo na byernes pa.
habang sa kalagitnaan ng byahe,
nasa bandang quezon avenue na kami,
biglang nalang nagsalita yung katabi kong mama.na parang kanina pang hindi mapakali.
ewan ko, natatakot din sya siguro sa ginagawa nya.
na baka kasi nagkamali sya ng jeep ng sinakyan. at wala syang mapala sa amin.
"holdap toh?! akin na mga cellphone nyo" may hawak pa syang baril..
hindi ko din maaninagan kung totoo yun, o fake,
pero infairness, epektib ang pananakot nya.
may kasama pala syang dalawang mama sa dulo,
nakahrang sa pinto.
ang mga tao, takot na takot habang inaabot nila ang mga cellphone nilang decamera,
3G, colored, mga cellphone na malalaki, may mga video, at halatang mga mamahalin.
busyng busy din naman si kuya sa pagkuha ng mga cellphone nila.
ako, inaabot ko na kay kuya ng buong puso ang cellphone kong nokia 3315.
hindi nya pinapansin.
pinangkalabit ko pa sakanya ang cellphone ko,
aba't ayaw padin pansinin?!
sabi ko sa isip ko, (ah, ayaw mo ah? sabay tago ng celphone ko sa bulsa ko)
pagtapos nya kunin ang lahat ng mga naggagandahang cellphone ng mga kasama ko sa jeep,
sabi naman nya,
"ang mga pera naman, akin na lahat ng pera nyo!!!"
ang mga tao, binigay na ang buong wallet.
hindi uso sa akin ang wallet nuon,
ang coin purse ko, naiwan ko pa sa bahay,
kaya naman ang natitira kong bente sa bulsa, inabot ko na.
abah?!si kuya manong, dinededma din ang yaman kong bente?
hindi nya alam, nakakabuhay ng tao kya ang bente.
kung sabagay kasi, bulok na din yung ichura ng bente ko,
naisama kasi sa labahan ni mama yun.
at dahil hindi nya pinapansin ang bente ko, itinago ko nalang.
Bogart: wahahaha muka kana kasing gusgusin nung college tayo.
iniisip siguro ni manong na pareho lang kyo ng trabaho, mas mayaman lang sya sa weapon,
Bino: tae, ininsulto ang 3315 ko, bago lang naman ang housing ko nun.
Bogart: yun ba yung housing mong isang araw mo palang nabibili, nalaglag mo agad?
at natanggal ang screen cover?
Bino: oo. hehe. maganda naman ang kulay eh.
Bogart: haha! naawa syo si kuya. baka nga bigyan ka pa nun ng bago.
Posted by -binObogart- at 11:44 AM 3 comments
Sunday, November 8, 2009
ang pagbabalik loob
Bino: matagal tagal nadin kaming hindi nakapag update ni bogart. sa blog nato
Bogart: kasabay ng pagsalanta ng bagyong ondoy sa pinas,
nasalanta din ang blog namin
Bino: nasabayan pa ng pagiging busy ng sked namin
sa trabaho, sa bahay, sa shooting, sa taping, sa mall tour at sa fans day.
Bogart: haha! tae ke, pilingero ka talaga.
Bino: sila bogart, nasalanta ng bongga,
nakikita nyo ba ang pitsur na yan? maayos na yan sa lagay nayan..
Bogart: Total reck talaga ang bahay namin.
nilubog ng baha na galing sa creek. hehe!!
pero buti ngayon, maayos na. nakakarecover naman na.
Bino: ang pinaka pinanghihinayangan ko talaga eh yung mga paintings ni bogart.
kahit pa sabihin nating project lang yun nun college sya..
Bogart:panu tuwang tuwa kang tinititigan ang mga iyon. mga nude paintings eh. wahah
Bino: syempre. wag lang nude painting ng sexy chik tas muka mo.. haha
Bogart: bat naman naisip mo yan? may pagnanasa ka na sakin? hehe
Bino: haha! mandiri ka sa balat mo..
Binobogart: oh basta mga pare, hintayin ang pagbabalik ng mga kalokohan namin..
gang sa muli,,
adios!!!
Posted by -binObogart- at 12:06 AM 0 comments
Tuesday, September 15, 2009
ANG PAYO NI BOGART KAY BINO
Kung minsan, hindi talaga maiiwasan sa magkapatid ang magsapakan, lalo na kung sadyang nabuhay sa mundo ang isa sa kanila na kupal.
Katuald nalang ng nangyari kay Bino.
Nung isang linggo,
sinapak si Bino ng kuya nya...
Pano ko nalaman?
Syempre, nagtext sa akin si bino. At kinuwento nya sa akin ang mga nangyari
Bino: tol, nakwento ko na ba sayo? Sinapak ako ng kuya ko nung isang araw? Hahah! Tae
Bogart: oh, bakit?
Bino: nang dahil sa napaka gandang dahilan, dahil sa dvd player.
Madami kasing nakakabit ng kung anu-anong gadgets kasi sa player namin eh.
Lahat ata ng pwedeng makapagpaganda sa palabas, at sounds ng dvd, ikinakabit ng kuya ko.
Puro pirated naman ang dvd na binibile nya,
Tinanong ko kuya ko kung pano i-on ang isang naka kabit dun.
Ang sabi lang nya, “basta i-plug mo, at i-on mo.”....
masyadong mahaba ang kwento ni bino
haha Batsa ang resulta, nagkamali si bino ng pagbukas ng dvd player. Nagalit ang kuya nyang kupal at sinapak sya..
hahah!
Bogart: hindi ka gumanti?
Bino: hinde..
Bogart: bakit?
Bino: a. hindi ako bayolenteng tao. b. nabigla ako sa pagsapak nya. At c. hindi ko na naisip na gumanti dahil sa sakit ng pagka sapak nya sakin. Haha! Tae.
Bogart: dapat gumanti ka.
Bino: hindi ba pag gumanti ako ngayon, parang late reaction na? Hehe
Bogart: hinde, pag late na, hindi mo naman kelangan sapakin din sya eh, gumanti ka sa ibang paraan. Haha!
Bino: haha! Pano?
Bogart: UNA: IBRUSH MO SA KUKO MO ANG TOOTHBRUSH NYA.
pero siguraduhin mong galing ka sa paglakad sa putikan bago mo gawin yun. Haha!
Tanggal nga ang gingivitis nya, dahil parang hinilod lang ng bato ang ipin nya nun. Hahah!
PANGALAWA: IDELETE ALL ANG CONTACTS NYA SA CELLPHONE
wala na syang laban dun, at laking galit siguro ng kuya mo nun. Haha! Ultimo contact ng mga pina pakyatan ng kuya mo, wala na.
PANGATLO: MAMALANCHA NG BAWAL IPLANCHA
iplancha mo lahat ng breif nya. panigurado, lahat yun luluwag ang garter ng breif nya.
at hindi ka din naman nya masisi dahil bakit mo nga naman ipaplancha breif nya? samantalang pareho lang naman kyong lalaki? haha.
at PANG-APAT luma man, pero epektib padin...
MAGLAGAY NG IPIS SA CLOSET NYA
wahah. saklap na buhay ang mararating nya.
lahat ng damit at under wear nya magbubutas-butas. bawing bawi ka na dun.
wahahha!!! lahat yan, magiging epektib.
kyo, baka may gusto din manghingi ng payo jan. baka may maganda akong maipayo.
wahaha!
ingat kyo palagi..
adios!!!
-BOGART
Posted by -binObogart- at 11:37 PM 5 comments
Monday, August 24, 2009
happeeberdei kei bogart!!!(posted by Bino)
ayan, nakita nyo naman sa title palang, ako lang ang ng post na to,
si bino na mas gwapo kei bogart.
hahah!
alam ko, ang reaksyon ng iba senyo,
"oh?berdei ni bogart?"
oo berdei nya, pero sa sa August 30 pa naman.
kanina, nag iikot ako sa mall,
sa totoo lang mga ilang araw na,,
at hanggang ngeyon, wala padin akong nakikitang magandang mairegalo sa kanya.
ang cheezy ko enoh? magreregalo.
pero naman, gusto ko kasi yung tipong kakaiba.
hindi naman ako pwedeng magregalo ng babae,
dahil kusang lumalapit sa kanya ang babae eh.
minsan nga, may mga kakilala akong babae, nagteteks sakin,
"bino, kamusta nah? mishoo na. ano nga ba number ni bogart sa globe?"
wahah! mga bastos na mag bata.
hindi nalang ako direchohin...
minsan nga gusto ko nalang i-gm ang business card ng number nya, sa dami ng nagtatanong nito... heheh!
kyo, baka may maitutulong kayo sakin,
suggest naman oh,
hehe! wag kyong mag-alala.
busy si bogart this week, hindi nya to mababasa.
mabasa man nya, hindi naman nya malalaman kung alin sa mga suggestion nyo ang pipiliin ko.
hahah! hintayin ko suggestion nyo.. salamat.
P.S
magbigay nadin ng mensahe para kay bogart,
isang hapeeberdei message sa post na to,
salamat mga tol!!!
-Bino
Posted by -binObogart- at 11:51 PM 4 comments
Wednesday, August 19, 2009
peborit book
binobogart: Mas madalas talaga kahit na anong pagod natin, basta may gusto tayong makamit, ayos lang basta makuha lang natin ito.
Bogart: katulad lang namin ni bino, may paborito talaga kaming libro.
naging adik kami sa librong iyon, kahit na mahirap hanapin, gumawa talaga kami ng paraan para lamang makahanap ng kopya nun..
ganito ang nangyari.
Bino: nalaman namin na may bagong publish na libro daw ang paborito naming libro..
panibagong kalokohan,
at panibagong pagkakakitaan.
Bogart: nung malaman namin iyon, naisipan namin hanapin ang librong iyon sa pinaka malapit na national bookstore sa amin.
Bino: sa kasamaang palad, wala padaw sila nun kundi yung nagiisang display lang.
mula sa national bookstore sa quezon city,sa sm north,
pumunta kami sa national bookstore sa megamall.
Bogart: pagdating duon, parehong dahilan.
hindi padaw sa kanila umaabot ang bagong edition nang naturang libro.
halos ayaw na namin umalis ng mall na iy0n, makahana lamang ng kopya ng paborito naming libro.
Bino: kaya naman naghanap kami ng iba pang bookstore sa mega mall.
nagbabakasakaling may mahanap na din kami. kahit isa lang at maghihiraman na lamang kami.
Bogart: nung isang linggo kasi nakakita dito si bino, hindi naman agad binili.
sa napakagandang rason na kulang yung pera ng bente.
hanep diba?
haha.
Bino: umabot nadin kami sa powebooks, booksale, at ultimo expressions pinatos nadin namin.
sa kasamaang palad wala.
Bogart: nagiwan na din kami ng contact info namin sa powerbooks para kung sakaling pagdating na pagdating ng librong iyon sa store nila, kontakin agad nila kami.
mga desperado diba?
Bino: alam namin na nagtataka kayo kung libro ba talaga iyon,
ngunit syempre hindi namin sasabihin.
waha! hindi naman kasi kami bayad ng author para mag advertise nun.
Bogart: ayun nga,back to our peborit book.
pagdating ng mga alas tres, pumunta kami ng cubao.
Bino:para kunin ang paitings ni bogart sa isang art gallery sa cubao.
astig ni bogart noh? pa art gallery art gallery nalang,.
Bogart: haha! pagdating sa cubao, bigla namin naisip na diba may national bookstore dito?
unang pinuntahan namin ang national bookstore sa tabi ng gateway dahil mas malaki iyon kesa na national sa farmers.
Bino: pagdating duon, nagtanong kami sa sales lady. meron ho ba kyong (tutoooooooot) ng libro?
hehe! pasensya na, bawala talaga mag advertise ng libro dito. .
Bogart: sinamahan kami sa isang section ng libro.
wow. maituturing palang PHILIPPINE LITERATURE book ang librong iyon.
Bino: saludo kami sa iyo na author ng libro.
ngunit pagkakita namin, yung lumang edition ang nanduon.
sabi pa ng sales lady, "yung mga linya jan... mejo anu...."
Bino: "anu...?" ang sabi ko..
"mejo anu, alam mu na," ang nahihiyang sabi nya.
Bogart: haha! gusto namin sabihin, alam namin at barkada namin ang author nito.
Bino: kahit hindi.wahaha. anu naman tingin mo sa amin? walang alam sa librong ito.
at mga minors para balaan mo ng ganyan?
Bogart: wahah. bente uno na kami, at pwede nang bumuntis. wahah!
Bino: "alam namin,nabasa na namin ang naunang libro nito. kaya nga yung bagong edition nito ang hinahanap namin. " ang sabi ko.
sabi ni ate conservative epek. " ay wala pa po kami nun..."
Bogart: hay si ate talaga, pwede naman sabihin agad sa amin na wala pa. pinatagal pa.
Bino: nagdesisyon na kami na umalis pagtapos nun,
pagod kami ni bogart kakahanap ng librong iyon.
sayang at wala pa.
hindi bale, aantayin ko nalang iyon sa mega. tutal malapit lang dun ang opis ko.
Bogart: pagdating sa farmers, nakakita kami ng isang national bookstore,
Bino: "napasok naba natin ito?"ang tanong ko kay bogart,
Bogart: "hindi pa, tara?" ang sagot ko naman.
Bino: sobrang desperado na ata ang tawag sa amin. kung may award para sa loyalty award ng libon iyon, gold winner kami. haha
Bogart: at hanggang ngayon, hindi padin namin nababanggit ang title nito.
haha! anu nga ba ang meron dito?
Bino: sabihin na nating parang FHM na ang katumbas namin dito, wahaha.
BIno: ayun nga. si bogart na ang nagtanong dun sa sales lady na may tulak tulak na cart.
"ate, may tuuuuuuuuutooooot ho ba kyong libro" ang sabi ni bogart.
Bogart: tinulungan kami ni ate na maghanap nun sa isang section ng national.
at may isa pang sales lady ang tumulong sa amin.
Bino: sa kakahanap sa librong iyo sa shelves, biglang napatingin ang sales lady na naunang tumulong sa amin sa cart na tulak tulak nya. "Ay!! ito!!"
Bogart: pagtingin namin, hindi namin maipaliwanag ang pagningning ng mga mata namin ni bino nang makita namin ang librong iyon.
Bino: halos magsitalon kami sa tuwa.
at muntik pang yakapin ni bogart si aling sales lady.
Bogart: wahaha! oi hindi naman.
Bino: haha. kaw, makachansing kalang basta babae eh., kahit may edad na. haha!
Bogart: oi, hindi ah..baka isipin nila, manyakis ako. wahah
Binobogarthehe! ayun nga, sa pagbili namin nitong librong ito, labis na lamang ang tuwa namin.
haha! alam namin ang nasaisip nyo ngayon.
anu nga ba ang meron sa librong yon?
haha. alam nyo naman na iyon...
Posted by -binObogart- at 11:09 PM 4 comments
Tuesday, July 28, 2009
Ang pangangapa sa dilim ni Bino...
Bino: kamusta naman ang title na toh., mukang malalait ako dito sa post na to ah?
Bogart: haha hindi naman. ikkwento ko lang sa mga mambabasa natin ang pagigigng huwarang tao mo.
Bino: oh sige, tungkol saan ba ito?
Bogart: kung minsan naawa ako kay bino..
Bino: oh bakit naman?
Bogart: tae, mamaya kana kasi sumingit.. hindi pa ko tapos magkwento..
Bino: wahha. oh, sya sya!
Bogart: sa araw araw na ginawa kasi ng dyos, este sa gabi gabing ginawa ng dyos na nasa bahay si bino at gising sya, lage syang nangangapa sa dilim.
Bino: grabe naman, nagigising din naman ako sa umaga pag off ko. wahahah
Bogart: sa kolsen'er kasi sya nagtatrabaho kaya naman sa gabi sya gising.
yun nga lang, tulog na ang mga tae este mga tao sa kanila.
Bino: at maganda pa nyan hanggang sala, may natutulog sa amin.
Bogart: at kasama nya sa kwarto ang kapatid nya.
kaya naman,
kapag gising sya at nag hahanda na pumasok sa trabaho,
lage at binubuksan nya ang ilaw, lahat ng tao ay nagrereklamo.
pag binuksan nya ang ilaw sa kwarto nila ng kapatid nya
nagagalit ang kapatid nya.
ganun din sa kabilang kwarto na andun ang kuya nya
Bino: grabe naman muka naman akong kawawa sa pagkakakwento mo.
wahaha.
Bogart: ganun naman kasi talaga eh,hehe! pagdating naman sa sala,
andun natutulog ang buong pamilya ng ate nya.
kaya nga malapit nang mainlab itong pare kong ito sa sarili nya dahil gabi gabi syang kumakain ng naka kandila.
na mistulang dinedate nya ang sarili nya.
Bino: hakhak. ang ilaw kasi sa sala sakop na sa dining area namin kaya pinapapatay nila ang ilaw sa akin.
Bogart: at ang katangi-tanging lugar lang sa luob ng bahay nila ang pwedeng magbukas sya ng ilaw eh sa banyo.
Bino: ang katangahan ko pa, nitong huli ko nang naisip na pwede ko naman gamitin ang salamin dun pag nagsusuklay ako at tumingin sa salamin bago pumasok sa trabaho.dati kasi nagtitiis ako dun sa salamin sa sala na wala naman akong nakikita kundi ang anino ko. wahaha
Bogart: try mo nadin na dun nalang kumain.
Bino: whahehe. ang sarap sigurong kumain dun ehnoh? lalo na ng adobo?
Bogart: kung minsan nga umaalis yan ng bahay nila na may toothpaste pa sa labi dahil hindi na nya napapansin na may natitirang toothpaste sa muka nya bgo umalis.
Bino: haha kawawang bata naman talaga ako.
Bogart: pero pasalamat nalang tayo na hanggang ngayon, hindi pa naman sya nabubukolan dahil sa pangangapa nya sa dilim.
Bino: at infairness, nsimula lang nung nakaraang araw, may maliit na ilaw na sa dining area namin. para kahit paano may ilaw na ko tuwing gabi.
Bogart: wahaha. kaya naman, saludo ako dito kay bino eh! wahehe.
Bino: saludo ka ba talaga oh nanlalaet ka lang? hehe. humanda ka sakin, kaw ang susunod na magiging topic natin dito sa blog na to.
Bogart: haha! hintayin ko yan,
Binobogart: Adios!!! :-0
Posted by -binObogart- at 10:00 PM 6 comments
Friday, July 17, 2009
api mansta-ree sa min!!!
Bino: akalain mong 6 months na tayo??
Bogart: Huh?! anong sinasabi mo? baka isipin ng mga mambabasa natin na mga magjowa tayo. hehe
Bino: hindi, ang ibig kong sabihin, 6 months na pala tayo nung magsimala tayong makaisip na magsama sa blog.
Bogart: ah oo, syempre. at napansin mo naman na mabilis ang naging pagsikat ng blog nating to dahil sa mga kalokohan natin sa buhay.
Bino: kung minsan nga naiinggit ako dito sa blog natin dahil mas nuana pang sumikat ito kesa sa mga individual blogs natin na nauna nating nagawa eh.
Bogart: waha pareng bino, palagay ko kailangan mong mag pa bangs na.
Bino: bakit naman?
Bogart: ang emo mo eh., wahaha
Binobogart: anyway, 6 months na nga ang nag daan., at may 15 ns followers na kami. ang saya ng ganito. sumisikat kami ng napapahiya kami. whaheheh.
Bino: isipin mo, nun simulan natin ito, hindi tayo sigurado kung magmumuka tayong korni sa mga tao. pero tinry natin. heheh!
Bogart: at bukod sa 15 followers natin. may madami-dami nadin tayong readers.
BiNo: oo nga eh., kaya po sa mga masugid naming mambabasa, sana patuloy nyo lang po na itangkilik ang blog namin.
Bogart: at ipagpapatuloy din namin ang pagpapasaya sa inyo.
Binobogart: hahah! masayang pagbabasa sa lahat!!!
Posted by -binObogart- at 11:58 PM 12 comments
Wednesday, July 15, 2009
kambal-kambal na katuwaan.
Binobogart: limang buwan na nung magsimula kami mag sama sa blog na to.,
at iba-ibang karakter na ang naikabit s aamin ng iba't ibang tao.
Bino: anjan sila B1 at B2, ang momoy palaboys, maverick anf ariel, at kung sinu-sino pa.
Bogart: ngunit hindi namin maikakaiala na isa este tatlo sila sa mga naging inspirasyon namin sa pag post namin sa sa blog na ito.
Bino: avid fan din kami ng mga naturang karakter na iyan.,
ngunit gusto lang po namin na ilinaw na hindi po namin sila ginagaya.
Bogart: maaring may onting pagkakapareho lang po.
Bino: na katulad ng mga tae natin, nanggaling man sa iba-ibang pwet, may pagkaka-hawig din.
hahah!
B1 at B2
Bino: katulad ng magkambal na yan, nakakapagpost kami ng mga nakakatuwa o wirdong bagay kung pareho namin itong naisip o magkasama kami nang may mangyari sa aming mga wirdong bagay.
Bogart: at ginagawan lang namin na katatawan ang lahat sa pamamagitan ng blog na ito.
naiisip mo ba ang naiisip ko B1
Bino: oo ata B2.
Bogart: haha. parang mga ganun lang. ngunit ang kaibahan lang namin, wala kaming mga kaibigang mga bear. na sinasabi nilang hindi sila mga triplets ngunit magkakamuka naman. magkakaiba lang ng personalidad.
Bino: at hindi din naman kami laging naka pajama dahil boxers ang sinusuot namin. hahah
Maverick and Ariel
Bogart: katulad ng dalawang iyan, gumagawa lamang kami ng iba't-ibang paraan upang mapansin kami sa pamamagitan ng blog.
Bino: Avid fan din naman kami nila maverick and ariel na pawang nagsimula ng kanilang career sa on-air sa channel 5.
Bogart: ngunit ang kaibahan namin sa kanila, hindi namin kayang iharap ang mga muka namin sa tv dahil una sa lahat wala nang on-air ngayon.
Bino: at wala din kaming muka ihaharap sa mga tao.
Bogart: sa dami ba naman ng mga kalokohan na ipinalandakan namin dito sa blog namin,
maglalakas luob pa ba kami na iharap ang mga sarili namin sa buong bayan? wahaha.
pero sinisigurado namin, gwapo din kami kagaya nila.haha!
Bino: at wala din naman kaming mag nagalalakihang dyamante na pantapat sa kanila
dahil ang meron lang kami ay bato na panhilod na isinasabit namin sa aming mga leeg.
para kahit saan man kami magpunta at makiligo, ready kami. wahahah
MOMOY PALABOYZ
Bogart: avid fan din kami ng dalawang ito,
Bino: sa katunayan, hindi pa sila sumisikat sa tv, pinapanuod namin sila sa you-ku.
wahaha japanese version yan ng you-tube kung hindi nyo pa alam.
Bogart: infairness kasi, nakakatuwa din sila.
katulad nila, kaya din nila ipaglandakan sa buong mundo ang kalokohan namin.
Bino: ngunit hindi namin kaya ivideo ang mga iyon, dahil wala kaming pang video.
hahah. kung ayos lang ba sa mga tao yung napaka bagal na cellphone video at putol putol pa, ayos lang.
Bogart: napaka hightek kasi ng pc namin,
hindi pa uso ang mga pensium pensium, pc na to.
Bino: hahah!! at isa pa, hindi din kami gusto ng mga kanta sa mundo.
hindi namin kayang sundan ang mga lyrics ng mga kanta na alam namin.
dahil nung nagpaulan ng dyos ang talent sa pag dub, tulog kami parehong at kapwa nakapayong pa.
hahah!!!
Binobogart: sa pagkakataong ito, kung fan man kayo ng mga iyan, hindi po namin sila nilaait sa post naming ito, pinapakita lang po namin ang kaibahan namin sa kanila.
at uulitin lang po namin,
hindi kami naggagaya, naiinggit lang.
haha! adios..
Posted by -binObogart- at 6:03 PM 0 comments
Tuesday, June 30, 2009
SA MGA MATA NG MGA INOSENTE
Bino: nagtalo kasi kami ni bogart kung sino talaga ang mas gwapo sa aming dalawa.
Bogart: kaya naman, naisip naming mag serbey. sainyo namin ipapaubaya.
Bino: hulaan nyo na muna kung sino sa palagay nyo si bino at sino si bogart.
Bogart: at maki koment na kung sino talaga ang mas gwapo. hahaha!
Bino: pag pasensyahan nyo na, mga mukha kaming banlag jan.
Bogart: at mga mukang adik lang.
Bino: oo nga pala, naedit na namin and brightness at contrast nian. wahaha
Binobogart: mga mukha naman kaming inosente diba?haha. salamat. adios
Posted by -binObogart- at 1:02 AM 9 comments
Thursday, June 18, 2009
eM-ARTE
Bino: Kakaibang experience talaga bawat araw sa MRT kaya kahit isang mahabang train lng yun sa EDSA madami kaming adventures dun..
Bogart :akalain mong pati sa MRT, nakaka isip tayo ng madaming kalokohan?
Bino: syempre, sa dalas nating nag e-Em.RT, hindi pa ba natin mabibiktima ang iba pang mga taong nakasakay dito?
Bogart: Eto ang ilan sa mga ka-adbenchurs namin sa loob ng train ng MRT...
Bino: simple lang naman ito, binigyan namin ng tawag ang mga iba't ibang klase ng tao na sumasakay dito.
THE PUSHERS
Bino: Hindi yan yung mga nagtutulak ng droga ha.. mas malalala pa..
Bogart: Yan yung mga taong mahilig namang manulak papasok ng train kahit alam nilang puno na talaga. animoy' mga hari ng entrance ng MRT kung makatulak sa pagmamadali.
Bino: akala naman nila, maisisiksik nila ang mga sarili nila sa MRT, pag nanulak sila, kahit na punong puno na...
Bino: Mahirap pa jan, magrereklamo pang masikep.. bayaan nalang natin silang amuyin ang kili-kili ng ibang tao sa pagpupumilit nila. hehehee
TRIP TO JERUSALEM
Bogart: Lahat ng mamamayang pilipino, matanda man / babe o lalaki /etc nagpapakabata sa loob ng MRT
Bino: Madalas maglaro ng TRIP TO JERUSALEM sa loob ng MRT kahit next station na sila baba..
Bogart: Masulit lang ang bayad..
Bino: kung sa bagay. maski tayo naman eh., hehe!
Bogart: naalala ko pa yung kabaitan mo bino.,
Bino: oh ano naman yun?
Bogart: nung minsang may nakasakay kang matandang madaming dala sa MRT...
na tinulungan mong magbit bit ng daladala yung matanda.
ang maganda dun, hindi mo nalang pinaupo sa inuupuan mo... wahehehe
Bino: atleast tinulungan ko diba? hehe. sayang naman kasi yung ipinila ko, ay yung ibinayad ko kung ipapa upo ko lang sa iba...
THE PERVS
Bino: Taliwas sa aming maginoong personalidad.. Madami pa ding BASTUSIN sa loob ng MRT
Bogart: haha.. Makadikit lang kahit saang parte ni 'Miss' (maganda man o hindi.. basta katawang babae)
Bino: Problema lang, minsan hindi pala 100% babae ang nachansingan.. *malas*
Bogart: pano, kahit siguro poste, nakapalda, chachansingan nila. waheheheh
SANDALERO't SANDALERAs
Bogart: Madalas sa mga chikas ang ganito.. yung walang kabalance balance sa katawan.
Bino: Kaya ginagawa nilang sandalan ang mga kagaya naming machos (haha)
Bogart: Sana naman kasi matuto silang humawak sa mga 'poles' at 'handles' ng MRT.. kaya nga naimbento eh..
Bino: pero ayos lang naman lalo na kung seksi ang chiks... pero kung lalaking nagpapanggap na babae, ah ibang usapan na yan...
POLE HUGGERS
Bino: Pano naman sila hahawak kung may mga taong literal na nakayakap sa mga 'poles' na yun?
Bogart: Ah oo, yung mga nagsusulit ng bayad nila.. kung hindi makaupo aangkinin na lang yung isang poste ng train
Bino: na animoy, mahal na mahal na nila ang poles, at handa na nilang mag seremonya ng kasal sa loob ng tren.
Bogart: at halos mahalikan na nila ito.. hahaha
SUPERNOVA
Bino: Hindi naman kami mapanghusga ni Bogart, kaso may mga tao lang talagang hindi namin matiis
Bogart: Sila ang mga supernova, yung mga pasosyal (lalo na ang mga chikas) na bawal MADIKITAN, one-seat-apart ata ang gusto. Kung nakatayo naman, dapat may imaginary wall na bawal madikitan.
Bino: Excuse me lang, parepareho po tayo ng bayad sa loob ng train.
Bogart: Sana nagtaxi na lang kayo..
Bino: at naligo naman kami. saka kami yata ang mga lalaking laging dinidikitan ng mga chiks. kung ikaw, ayaw mo padikit samin, malamang tomboy ka. wahahhaha
BACKPACKERS
Bino: Kagaya ng mga SUPERNOVAs wala din silang pakialam sa paligid..
Bogart: Sila naman yung doble ng katawan namin ni Bino. Mga galing gym at dahil galing gym eh may mga dalang gigantic gym bags. Madalas pa nito backpack ang dala. Bugbog sarado kahit sinong mapunta sa likod nga mga 'to.
Bino: naghahamon ata ng away ang mga to. at dahil malaki ang mga katawan nila, alam nilang hindi papalag ang mga tao sa kanila... tigas ng muka enoh??
Bogart: oo, mga naka baby oil naman sa katawan. wahahhaha
ANTUKENS
Bino: Eto yung mga kalalakihang nagtutulogtulugan..
Bogart: Para makatakas sa obligasyon na magpa-upo ng mga seniors, dalagas at disabled..
Bino: parang mga gawain lang ng mga mahilig mag wantu-tri sa bus.
Bogart: nako, maniwala lang kyong tulog sila pag may tumulo nang laway. wahehehe
THE ENTERTAINERS
Bino: Madaming under sa entertainers.. eto yung madalas naming pag-usapan ni Bogart paglabas ng train..
Bogart: yung mga taong, titigan mo palang, maaaliw ka na.. at hindi na maalis ang atensyon mo sakanya.
Bino: dahil kahit anong gawin mo, hindi mo iwasang manlait pag nakikita mo sya. whahahah
Stand Up Comedias Wanna Be
Bogart: Mostly mga magkakasamang bading na walang ibang ginawa kundi magpapansin sa pamamagitan ng pagpapatawa..
Bino: yung tipong pag nakipag kwentuhan, animoy buong pasahero eh kausap nila sa lakas ng boses nila.
Bogart: at kung makahalakhal pa, parang wala nang ihahalakhak pa bukas.
Bino: o kaya naman, tila bukas, ipagbabawal na ang paghalakhak. nyahahhaha
Chika Machine
Bino: Sila yung mga kahit ayaw mo makinig sa phone conversation nila eh mapipilitan ka dahil sa sobrang lakas ng boses.. Hindi nila feel na nasa MRT sila.. Ala sige, kwento!
Bogart: parang yung ma stand up comedian lang. ang malala lang, kausap nila nasa cp. kala mo naman, nasa kabilang tren maka kwento. haha
Bino: ang wirdo sa kanila, pag naka ear phone lang sila. muka silang baliw nagsasalita mag isa. wahahhah
Mr. & Ms. Genius
Bogart: Mga intelektwal na kapupulutan ng kung anu-anong facts at trivias na pwede mong ma-share sa mga ka-officemate mo pagdating sa opisina. (Wag mo lang sasabihing nakuha mu yun sa MRT para sabihin nilang matalino ka din)
Bino: yung mga tao na bigla bigala kang iaapproach at mag kkwento ng mga tungkol sa general issues tulad ng planong pag sabak sa commercial modeling ng derma clinic ni aling dionisia.
SOULMATE SEARCHERS
Bino: As usual, hindi mawawala..
Bogart: Ang mga magsing-irog na walang ginawa kundi magyakapan at maglambingan sa loob ng train. o sabihin nating naglalandian. hehehe
Bino: Sa mga taong to -- naglagay na po ng SOGO sa halos lahat ng MRT Stations.. dun na lang muna kayo maglambingan..
Bogart: hayaan mo na, hirap na nga sila mag pigil kya sa tren palang., nagmamanyakan na sila eh., wahahha
BRATZ
Bogart: Hindi din mawawala ang mga bata sa loob ng train, madalas pa mga nakakabwisit na bata ang makakasama namin sa train..
Bino: Yung mga batang kahit gano kaingay, kahit gano kagulo eh cute pa din sa paningin ng mga magulang nila..
Bogart: samantalang sa paningin ng ibang tao, parang ang sarap nang sakalin. haha
ZOMBIES
Bogart: Madalas makakakita ka ng zombies pag 5 hanggang 7am..
Bino: Yan ang mga kagaya kong dala minsan ng hangover -- malamang antok pa..
Bogart: Madami sa populasyon ng mga sumasakay sa MRT ay mga zombies.. Mga wala namang irereact kaya ganun na lamang ang mga facial expression.. NAKATULALA, NAKATUNGANGA, NAKATANGA!
Bino: tapos, maputla pa ang mga muka. wahehehe
Binobogart: haha! iilan lang sila sa mga kapansin pansin sa MRT. madami pa sila. kayo na ang mag obserba. nakakatawa lang, dahil kami mismo, madalas isa sa mga yan.
sa mga mapapansin namin pasensya na., malikot lang ang utak namin.
hahah! adios!!!
Posted by -binObogart- at 2:08 AM 6 comments
Wednesday, June 10, 2009
ISANG TANONG ISANG SAGOT
Bino: Naalala mo nung sumakay tayong taxi noon kasama ang tatlong chikas?
Bogart: o bakit, ano naman?
Bino: Lintek, walang wala na tayong pera nun (at malamang tayo ang maghahati sa bayad)..
Bogart: Ano nga, pinapahaba pa eh..
Bino: ..tapos nagpadagdag pa si 'Kuya Manong' ng lintek na bente pesos kasi puno daw?
Bogart: (grrrrrr...)
Bino: Eto ba, overloading din ba to (tsss..)?
Narrator (Bogart): At tuluyan nang nabwisit si Bino nang makita namin tong taxing 'to papuntang Bulacan.
the end
Posted by -binObogart- at 5:51 PM 7 comments
Monday, June 1, 2009
LIQUID HANDSOAP SAVES THE DAY!!!
(Ang silbi ng hand soap sa mga cr sa opis bukod sa hand soap.)
Bogart: mapapansin natin sa mga karamihan sa CR sa mga opisina ay may hand soap.
Bino: ngunit alam nyo ba na bukod sa pagiging hand soap, may iba pang maitutulong ito sa lahat?
Bogart: opo, tama ang inyong nabasa. Kung sa tingin nyo, luge kyo sa sweldong ibinibigay ng kumpanya sa inyo, aba! Makakabawi na kyo kahit manlang sa pamamagitan ng handsoap.
Binobogart: Ito ang mangilang ngilan sa mga aming napagalaman base sa aming napuna.
FACIAL WASH/SCRUB
Bogart: sa umaga, bago pumasok sa trabaho, lahat naman tayo siguro ay naliliigo,
Bino: nagpapapogi, yung iba nagbobody spray, yung mga babae naman nag memake-up o kaya powder. Basta nagaayos tayo diba? Upang maging kaaya-aya tayo sa mga makakasalubong satin.
Bogart: Ngunit dahil sa sobrang titig mo sa sarili ay bigla mong naalala, malelate ka napala…kaya magmamadali ka.
Bino: siksikan sa MRT, mausok naman masyado kung mag bus ka.
Bogart: kaya malamang, pag dating mo sa opis, huggard ka na.
Bino: lahat ng oras na ginugol mo sa pag aayos sa sarili ay isang oras lang nawala at napalitan ng alikabok at pawis.
Bogart: ngunit wag mag alala. Dahil anjan naman ang hand soap sa inyong CR. Pwede mo naman kasing ipanghilamos ito.
Bino: at paniguradong malilinis ang muka mo.dahil matapang ang handwash diba?
Bogart: at! Ang kagandahan pa dun, mabango pa sya…
Bino: haha, iwas gastos na, malinis pa muka mo.
Bogart: haha! Ayos!!!
DISHWASHING LIQUID
Bino: sa araw araw na pagpasok mo sa trabaho, may daladala kang mug/thumbler/ o kahit na ano pang baso…
Bogart: ngunit diba, madalas, pagka gamit natin dito, ay drecho nating nilalagay ito sa ating bag. Na walang hugas hugas hanggang kinabukasan dahil sa sakit na tinatawag na kalimot.
Bino: ngunit hwag mag alala. Dahil hindi nyo padin ito gagamitin ng hindi nahuhugasan. Ang kailangan nyo lang ay pumunta sa CR, at gawing dishwashing liquid ang hand soap.
Bogart: kaya naman, aming pinapayo na magdala ka na din ng sponge. Para mas maging malinis ang paghugas mo sa thumbler mo.
Bino: Nang sa gayon, pag nilagyan mo ito ng tubig, hindi na amoy kape ang thumbler mo.
Bogart: malupit pa yan sa axion at joy. At sigurado kang makakiwas na sa AH1N1.
Bino: haha! Apir bogart!!!
AFTER-JEBS SOAP
Bino: hindi mo na nagawang mag almusan dahil sa malelate kana
Bogart: kaya naman pag dating ng lunch, tumira ka ng sangkatutak na pagkain. Para maibsan ng tuluyang ang iyong malupit na gutom.
Bino: at pagkatapos ng lahat ng kabusogan, naramdaman mong may kumakatok sa iyong chan, at nagpupumilit makalabas.
Bogart: oo, madali lang naman magbawas, ang mahirap, ang maghugas dahil hindi ka nakadala ng sabon.
Bino: alangan naman, mag jebs ka ng walang hugas hugas. Ang alingasaw mo nun tol!! Haha!!
Bogart: ngunit mabuti na lang, anjan si pareng handsoap., pwede mo nang magamit ito bilang after jebs soap.
Bino: kung naiilang ka, at nagiinarte ka, mamili ka nalang, walang hugas, o walang jebs?
Bogart: haha! Kaya wag nang mahiya. Mabango ang hand soap, hindi ka pa iiwasan ng matagal mo nang pinopormahang chik na opismeyt mo,
BUSINESS AS USUAL
Bogart: Sa araw araw na pag gamit mo ng hand soap sa CR, napansin mo nabang naubos ang handsoap nyo sa inyong opisina?
Bino: malamang sa malamang, hindi pa. yung kasing janitor, ang trabaho lang nila madalas ay siguraduhing may lamang hand soap yung lalagyanan nito.
Bogart: kaya kahit kapupuno lang nila ng lalagyan, kahit may isang gumamit lang nito, pupunuin ulit nila ito…
Bino: kaya para matulungan mo si manong janitor sa kanyang trabaho, magdala ka ng container at araw araw mo itong lagyan at punuin ng hand soap mula sa opisina nyo,
Bogart: at ibenta mo sa murang halaga.
Bino: makakatulong kana kay manong janitor, makakatulong ka na din sa lipunan dahil sa murang halaga nito at sa kampanya laban sa AH1N1 virus, kumikita ka pa.
Bogart: oo nga! Talino talaga natin. Haha!!!
Binobogart: ngunit isa lang ang pinaka mahalaga, siguraduhin mong walang makaka kita syo, dahil masesesante ka!! Haha! Adios..
Posted by -binObogart- at 6:51 PM 5 comments
Tuesday, May 26, 2009
wanTU-tRI!!!
Binobogart: Sa ika-13 araw ng buwan, dalawang araw bago ang sahod, ay mauubos mo na ang sinuwledo mo nung nakaraang katapusan.
Bogart: Nawindang ka nung Makita mo ang natitirang budget nalang sa pitaka mo ay para na lamang sa pagpunta mo sa trabaho. At maaring hindi ka na makauwi.
Bino: Sa kamalas malasan pa, nakatira ka pa sa bandang Quezon City at nagtatrabaho ka sa ortigas, o sa Makati.
Bogart: Hindi ka din naman makahiram sa mga kasamahan mo sa trabaho na katulad mo lamang kasalukuyang nauubusan ng budget.
Bino: Pati nadin sa barkada mong katulad ni bogart na kasama mo nung isang gabi na nagwaldas ng pera sa inuman dahil umaasa na ng nalalapit ninyong sweldo.
Bogart: NGUNIT maaring dumating pa ang inyong kumikinang na sahod, kundi sa
akinse, sa ika katorse pa ng gabi.
Bino: Paano ka uuwi?
Alangan naman lakarin mo ang kahabaan ng EDSA mula Ortigas hanggang Quezon City?
Binobogart: narito ang mga naisip naming mga para-paraan upang ikaw ay makauwi ng matiwasay at walang bagabag sa sarili…
SLEEPING BYUTI
Bogart: hwag mo nang tangkaing mag MRT pa pa-uwi, dahil nasa bungad palang, hindi ka na makakapasok pa.
Bino: makalusot ka man papasok, hindi ka na makakalusot palabas.
Bogart: Kaya mag Bus ka nalamang.
Bino: tama, hindi bale, pipili ka naman ng komportableng bus eh.,
Bogart: oo. Mag air-conditioned bus ka.
Bino: huh? Hindi ka ba mahuhuli nun? At baka maabugbog pa mga mambabasa natin?
Bogart: Bino, mas barako ang mga sumasakay sa ordinary., at pag nahuli ka dun, panigurado, bogbog ka.
Bino: haha! Oo nga, balik tayo sa proseso. So, pano nga ba ang gagawin?
Bogart: simple lang, humanap ng tagong pwesto, at umupo ng napaka komportable,
Bino: Ngunit kailangan magmadali, kailangan makahanap ka ng mauupuan mo, habang hindi pa tapos tumawag ng iba pang pasahero ang kundoktok.
Bogart: para hindi nya malaman kung saan ka talaga pumwesto.
Bino: at pagkaupo mo, unti-unti kang pumikit na animoy may nag hipnotisya sa iyo.
Bogart: kunwari ikaw ay bukod sa pagod na pagod, ikaw ay tulog na tulog pa.
Bino: hwag gigising kahit pa naramdaman mong nasa lane nyo na ang kundoktor.
Bogart: at gumising na lamang sa lugar kung saan ikaw ay bababa na.
Bino: haha! Basta tandaan mo, magmadali lamang sa pagbaba.
MMK (madugasan mo kaya?!)
Bino: Hindi mo kailangang mag sulat sa bus ng liham para kay ate charo habang bumabyahe sa kahabaan ng edsa
Bogart: Sa halip ang kailangan mo lamang ay talento.
Bino: Talento sa pandurugas sa mga tao.
Bogart: So pano nga ba to?madali lang naman to, effort less!!!
Bino: Pag sakay mo ng bus,humanap ka ng magandang pwesto,
Tumabi ka sa isang taong mukang hindi gagawa ng maganda.
Sa taong mukang holdaper, ngunit kailangan, siguraduhin mong nag iisa.
Bogart: Kailangan malaman mo kung saan sya bababa.
Kailangan mong siguraduhing mauuna syang bababa seo.
Bino: Teka, pano mo naman gagawin yun?
Bogart: Ehdi tanungin mo. Na kunwari tinatanong mo lang para malaman mo kung magkano babayaran mo sa pamasahe mo.
Bino:Haha! Onga, tama. So parang ganito. “ma, saan ho ba kyo bababa? Magkano ho binarayan nyo?” “magkano ho kaya pag sa muñoz?” at magdagdag pa ng iba pang topic na tungkol sa pagkakaiba ng mga porn movies nuon at ngayon na tulad ng mag video ni hayden.
Bogart:O-ha, para-paraan lang yan., pagbaba ni manong mukang manggagancho mag intay ng mga tatlong minuto. At biglang mag reak.
“wah! Nadukutan ako!!!!!!!!”
Bino: Kailangan pag butihin mo pa kaya kailangan mejo maluha luha ka. Maglagay ka ng eye-mo. Kung wala kang dala, kusutin mo nalang ng maigi ang mata mo.
Binobogart: Hehe!TYAK, Maawa ang mga tao sa iyo.
MR. CONGENIALITY
Bogart: katulad ng sa MMK, kailangan mong humanap ng taong idadamay mo.
Bino: ngunit sa pagkakataong ito, kailangan chiks na ang hahanapin mo.
Bogart: hindi na mahalaga kung ano pang ichura nya, ang mahalaga, magisa sya.
Bino: pag upo, mag intay ka ng isang minuto at kausapin sya.
Bogart: hwag mo nang gawin ang lumang damubs na nagtatanong kuno ng oras, tapos biglang magpapakila.
Bino: Sa halip, magtanong ka kung magkano na ang basic fare ngayon.
magusap ng tungkol sa current events sa pagkapanalo ni pacquiao. Pati nadin ang planong pagpapaderma ni Doña Dionisia.
Bogart: at dahil babae ang kausap mo, pwede kang magbukas ng topic ng tungkol sa latest fashion sa buhok. Na uso na ang kalbong emo.
Bino: magusap lang kayo ng magusap hanggang sa bumaba na sya. Mag babye ng buong giliw, kunwari ay close na close ka yo.
Bogart: pagdating mo sa bababaan mo, bumaba ka na.
Bino: at pag sinita ka ng kundoktor, ganito ang sabihin mo, “nagbayad na kami ng girlfren ko.”
BinoBogart: hindi naman malalaman ng babae na pinakilala mo syang gf eh., hindi na kyo magkikita....!haha!!
Posted by -binObogart- at 8:00 PM 8 comments
Saturday, May 23, 2009
DELETE ALL...
Bino: napansin nyo ba na ang shout box namin ay naubusan ng laman?
Bogart: dahil po ay sa kadahilanang bagkus, datapwat, bagamat...
Bino: kinailangan lang po naming gawin iyon..
Bogart: sa pang personal na proteksyon, dinelete all namin ang mga mensahe.
Bino: pasensya na din po, na yung ibang mensahe ay hindi na po namin nabasa...
Bogart: kung maari lamang po, maki sali muli sa usapan namin dito.
Bino: at mag post ng madaming comment...
Bogart: lalo na yung mga naki basa nung nakaraang linggo...
Bino: may virus kasing dumaan sa shout box namin na tinatawag naming k3naheiden virus..
Bogart: na animoy mahillig mag bulgar ng kung anu anong paglalantad.
Bino: hindi na namin ieexplain ng pino, pero salamat na lamang sa pag unawa..
Bogart: isipin nyo na lamang na may katrina halili na kusang luob na nagbigay sa amin ng kanyang sarili.
Bino: kami naman,bilang lalaki na tinanggap lamang ang mga offer, ay gumamit ng proteksyong pangkalusugang tulad ng primero. haha!]
Bogart: ang mahalaga, atleast hindi namin ginagawan ng video.hehe!
Binobogart: kaya sa mga masugid naming taga basa, magbalik lang ng magbalik at maki basa at maki comment., haha! adios!!!!
Posted by -binObogart- at 9:41 PM 1 comments
Saturday, May 16, 2009
GWAPIPITOS
Bino: maaring sa tuwing pag browse nyo dito sa blog namin ni bogart, ay nagtataka kyo kung bakit magkamuka kami..
Bogart: may isang mambabasa nga ang minsang nagtanong kung magkambal daw kami..
Bino: genetically, HINDI PO. galing po kami sa magkabilang matres, at magkaibang sperm at egg cell ang bumuo samin..
Binobogart: ngunit, bakit nga ba kami magkamuka?
Bino: ganito kasi yung kwento ng lolo ko., para kaming julio at julio-kambal ng tadhana.
Bogart: huh? baka julio at julia..
Bino: sige, sino satin si julia?
Bogart: ah! onga, tama lang pala.. hehe.
Bino: ayun nga, may isang mahika ang sumailalim sa aming magulang para maging magkamuka kami... kaya ayun, ito ang resulta...
Bogart: at ang mahikerong iyon ay mukang kambal na saging..hehe! si lolo ko naman may ibang kwento..
Bino: anu naman yon?
Bogart: sabi nya, nung pinagbubuntis padaw tayo ng mga nanay natin, ay madalas silang kumain ng kambal na saging habang nakatitig sa nanay ni pacquiao..
Bino: bakit? kamag anak nyo ba yun?
Bogart: hindi. kapit bahay lang ng magulang natin yun... sya kasi yung manicurista ng aso namin...
Bino: ah, kaya pala... hehe!
Binobogart: kung anu-ano ang pinag sa sabi natin..
sabihin natin kung bakit...
Bino: ginawa namin kasi yan sa graphics maker ng celfon..
Bogart: at para mas maging mabilis ang pag gawa namin ng pitsur, kinopy paste nalang namin at onting edit sa buhok. wahaha!
Bino: lupet namin diba?
Bogart: ayaw na kasi namin pahirapan pa ang mga sarili namin, at katamaran ang umiral sa min...
Bino: ayos lang naman, ang pagiging magkamuka namin ay sumisimbolo sa pagiging kambal namin sa lahat ng kalokohan..
Binobogart: hahah! makadahilan lang., sige po, salamat sa pag basa. adios!!!
Posted by -binObogart- at 9:21 PM 1 comments
Kayo naman!!!
Binobogart: nakaisip kami ng magandang ideya sa pagkakataong ito.,
Bino: nais sana naming makisali talaga kayo sa usapan namin.
Bogart: kaya naman, ito na ang inyong pagkakataong mag iwan ng mga pawang katanungan sa amin, at buong giliw naming gagawan ng post.
Bino: kahit ano payan, hindi namin dedemahin.
Bogart: kahit na obyus naman na wala lang kaming maisip na topic sa pagpost ngayon, wag nyo nalang masyadong pansinin..
Binobogart: isipin nyo nalang na gusto talaga namin kayong kausap...
Bino: kahit pa gano kahirap ang inyong tanong. kahit habang nangunglangot pa kami, ay gagawin namin..
Bogart: o kaya naman kahit habang nanunuod kami ng mga porn sa you-ku, japan version ng you-tube, ay mas magpopokus kami sa tanong nyo....
Binobogart: kaya ano pa bang hinihintay nyo, tanong na! libre to mga tol!!!
pwede pala nyo kaming i-add sa ym kung gusto nyo..
binobogart@yahoo.com
Posted by -binObogart- at 3:48 AM 0 comments
Wednesday, May 13, 2009
PAUNAWA SA MGA MAMIMILI: UMIWAS MUNA SA MINISTOP ROOSEVELT
bogart: madalas may mga kalokohan kaming nagagawang hindi naman talaga namin sinasadya..
bino: kaya kung sino man ang magagawi sa MiniStop Roosevelt Ave. magingat at huwag bumili ng hotdog dun!
bogart: matapos kasi ng isang nakakapagod at walang kasawasawang basketball game naisipan kasi naming chumicha!
ang mga binili:
bogart: isang iced tea at isang pizza-pandesal
bino: juice at hotdog (bun)
bino: hindi ko mahanap ang hiwa nitong bun
bogart: onting silip lang makikita mo din ang hiwa.. wahehe (*ting* masamang magisip ng kabastusan sa panahong yun habang hawak ni bino ang hotdog na pinapagpilitang isuksok sa nawawalang hiwa ng bun -- natawa na lang at nahampas si bino)
bino: hala ka bogart!! (walang ibang nagawa habang slow motion na nahulog ang hotdog!)
-the end-
anong nangyari sa hotdog?
Binobogart: sa kadahilanang sakto na lang ang pera naming dalawa..
..ibinalik namin ang nalaglag na hotdog at kumuha ng fresh na fresh na kapalit nito!
kaya kung kami sa inyo ingatan na lang ang pagpili ng mga bibilin sa kung saan-saan malay niyo nagawi na pala kaming dalawa sa mga pagbibilan niyo!
wahaha! adios...
Posted by -binObogart- at 8:24 PM 6 comments
Thursday, May 7, 2009
Tinatamad ka ba sa trabaho?
Bogart: Hwag aabsent
Bino: Hwag male-late..
Bogart: Pagkaupo mo sa iyong lamesa,buksan isa-isa ang drawer at magkalkal.Kunwari may hinahanap.
Bino: Pagkatapos mong mag kalkal,tumayo ka at puntahan ang mga filing cabinet.
Magahanap ng ipis.
Kung wala kang mahanap,tignan ang iyong incoming at outgoing tray.
Bogart: Kalkalin at maghanap ng mga natira sa kinutkot kahapon,kwag kainin muli,labag sa kagandahang asal. Kung naglalaway ka sa mga iyon, kunin mo ang nagamit mong tissue paper na nilagay mo sa iyong front drawer at ipunas sa laway mo. Pagkatapos ay ilagay muli sa drawer. Maaari mo pang magamit ito bukas. Malaking katipiran sa iyo.
Bino: Kung biglang dumating ang iyong boss,hawakan agad ang telephone at magsalita. Kunwari ay tinatanong ka ng iiyong kausap tungkol sa mga dokumento. Sumagot ka ng "Oh!I am sorry but I will bring that to your office immediately." Kumuha agad ng kahit anong folder at magpaalam ng maayos at buong giliw sa iyong boss. Lumabas nang nagmamadali.
Bogart: Pumunta sa CR at mag suklay. Tignan mabuti ang sarili.
Bino: Magretouch kung babae. Tignan kung baliktad ang underwear na naisuot.
Bogart: At kung lalake, maghilamos at basain ng konti ang buhok. Magtiris ng tagyawat. Magtagal ng mga limang minuto.
Bino: Pagbalik mo s iyong opisina, buksan ang computer. Hintayin ang autho scan. Marami ring minuto ang magugugol dito. Magbukas ng isang file…isa pa…at isa pa uli….!!!
Bogart: Pumunta sa Yahoo Mail. Tignan ang inbox at kung may hindi pa nababasa, magbasa. Kunwari ay bagong pasok kalang sa grade one.
Bino: Pagkatapos ay kunin ang mga dapat gawing report. Titigan mabuti. Pagaralan ang klase ng papel na ginamit. Bilangin kung ilang words ang ginamitt.
Bogart: Kung may tawag sa telepono, kaagad sagutin. Hwag mong ibaba agad ng kausap. Kamustahin. Tanungin sa mga National Issue.katulad ng mga Jokes ni ERAP, o kaya ang pagkamatay ni Francis M. at pagka panalo no manny.
Bino: Kamustahin din ang latest style ng kanyang damit. Pati kung saan nagpapamanicure at pedicure.
Binobogart: Hwag lalagpas sa isang oras ang pakikipag usap.
Magagalit ang iyong boss,, haha! ADIOS!!!!
Posted by -binObogart- at 1:43 AM 5 comments
BAGONG RAKET NAMIN: manghuhula
binobogart: Please be informed that this star chart may contain words and thoughts not suitable for weak-minded.
Sagittarius (Nov.23-Dec.20)
Bino: A third person will interfere your intimate relationship. Jealousy is in the air.
Bogart: Don’t drink Nescafe after getting drunk with nice cold Red Bull Energy. If Murphy’s Law bothers you, try to use the left side of the brain. (Commonsense)
Capricorn (Dec.21-Jan.19)
Bogart: Say it! Don’t muster what you really want to say.
Bino: The effects might be crucial: Farting is prohibited. Give a helping hand.
Bogart: Rock music is life, not disturbing.
Aquarius (Jan.20-Feb.19)
Bino: Unlimited texting is much more addictive than shabu. Watch Pilipinas Game kanaba and Korean novelas to enrich your street vocabulary.
Bogart: You have the luxury of giving up something. Cause the tarot cards say that it will happen again any way.
Pisces (Feb.20-March20)
Bogart: Gluttony is bad, not good for you though.
Bino: Ample love and romance in the phone may change the process of your Bayan tell bill, which will result to catastrophic termination. Tour lucky numbers are 71 and 32.
Aries (March21-May20)
Bino: A long creature from Mt. Pulypus will hunt your dreams. If you listen you will hear. Look ahead and never look behind if you font want to become a piece of NaCl.
Bogart: Craving for UAAP players must stop. Stop snubbing others-be kind. Crying will only tire the body’s tear gland.
Taurus (April21-May20)
Bogart: Superman is strong but just a man in red sheets, and so are you. Pride must settle.
Bino: Concentrate and you will achieve something big. Stop hating Math: This is the cause of sexbomb’s fame. 2+2=4+4=8x11= your favorite song.
Gemini (May21-june20)
Bino: If you’re happy and you know just slap your face and wake up. Stop daydreaming.
Bogart: RC cola is cocaine. Stop drinking it. No wonder the stand was ruined into pieces.
Be modes.
Cancer (June21-july21)
Bogart: You are a disease that has no cure. Infest. Leave your partner before he gets doubt. First things first.
Bino: Give gifts to those who have none and they will reward you. Be extra careful in making decisions. And if you believe too much in this crap. Britney is a fake.
Leo (july21-Aug.20)
Bino: Keep off the grass-smoker. People are busy and they won’t bother chatting with a disturbing lion.
Bogart: Restrain idolizing Chin-Chan, and Mr. Bean. They are just a bunch of paranoids entertaining being like them.
Virgo (Aug.21-Sept.22)
Bogart: Your efforts to cheer someone else will end in vain. Instead try to watch some horror movies in Cinemax to help you relax with the day’s bitterness. Try to be on the others shoes, sniff them in process.
Bino: Spending too much money in lame magazines in not advisable; instead help others who live in BURAOT tactics.
Libra (Sept.23-Oct22)
Bino: Giving is 150% superior than receiving. You will accept a bunch of illegal mark money from your grand mother and you have to spend it indulging others.
Bogart: If you haven’t watched the Hatton, and pacquiao’s boxing match, you suck! Boxing Rulz!!!
Scorpio (Oct23-Nov.22)
Bogart: You are not Bro. Shwarzzeneger. FPJ or Erap. “Susubukan ka.” Or in other words, rules will be a boundary.
Bino:Try to relax in some of Recto’s and Quiapo’s nightclubs. Never take for granted any advice given by your friends.
Binobogart: haha! akalain mo nga namang marunong pala kaming mag english...
Posted by -binObogart- at 1:24 AM 2 comments
Tuesday, April 28, 2009
JapeYk PALA...
Binobogart: sa pagdami ng mambabasa namin, may wirdung bagay nanaman ang pumasok sa utak namin…
Bino: hindi naming alam kung bakit naming naisip ang mga bagay na ito, ngunit bigla na lamang naming napagusapan kagabi.
Bogart: paano kaya kung ang bino at bogart na nakilala nyo ay hindi pala katulad ng nasa pitsur sa itaas?
Bino: paano kung hindi pala talaga kami mga binatang kalalakihan… at iba talaga ang pagkato naming na nagpapanggap lamang para sumikat.
Binobogart: paano kung ganito kami…
Dalawang under age na mga kalalakihan na mahilig mag explore ng curiosity.
Bino: na sa bawat internet namin at pagbblog, ay may isang tab kaming naka open at nanunuod ng porn videos habang nag iisip ng mga bagay na mapopost..
Bogart: na ginagawa lamang naming front ang blog sa bawat pag daan ng magulang naming kanina pa kami sinisilip kung anung ginagawa naming…
Dalawang kikay na kolehiyala
Bogart: dalawang kikay na kolehiyala kaming habang gumagawa ng entry sa blog ay nag ppluck ng kilay habang kinukulutan ng buhok ni Bino.
Bino: na ginawa lamang namin pala itong blog na to para gayahin ang mga kapwa boylet naming sa kanilang kawirduhan. Para ipag sigawan sa mundo na may boy pren kaming mga abnoy…
Dalawang late 20’s na kababaihan na nasa peek ng identity problem.
Bino: malay nga naman pala natin na binuo pala naming ang blog na to para maisip ang sarili naming as lalaki. Hindi nagsesexyhang kababaihan.
Bogart: finofront naming ang blog na to para makatulong sa amin kung mga tomblaks kami o hindi.wahehe.
Dalawang matandang nag second childhood.
Bogart: Si lolo, gustong alalahanin ang mga bagay nung mga kabataan nila, kaya ginawa itong blog na to.
Bino: ang malupit pa nyan. Habang nag gagawa ng post entry sina lolo, iniimagine nilang isina sayaw nila ang dating hot star na si Silvia Sanchez… haha! Punong puno ng pag reminisce ang blog na to…
Binobogart: ano kayang magiging reaksyon nila kungisa pala sa mga yan eh ang totoong binobogart?
Bino: hintayin na lamang natin ang mga reaksyon nila sa post nating ito..
Bogart: oo nga naman, Haha! Salamat sa lahat, adios…
Posted by -binObogart- at 10:42 PM 8 comments
Monday, April 27, 2009
mga nakisali sa usapan...
binobogart: sa mga nagdaang araw, dumarami ang mga bumibisita sa amin..
bino: ngunit ang maganda dun yung mga bumisita sa amin., may magandang konek sa amin
bogart: na hindi namin inaasahan na dumalaw sila dito...
Binobogart: eto ang iilan sa mga bloggers na lubos na tumatak sa amin.
HARI ng SABLAY
bogart: ang pinaka masugid naming mambabasa.
Bino: palagay ko, isa kami sa mga bagay na kinasasablayan nya.. hehe.
CHOKNAT
Bino: ito naman ang pinaka madalas dumalaw sa blog namin.
Bogart: sya din ang kukumpleto sa future na samahang BINOBOGNAT.
SILIP
Bogart: ang blogger na paborito naming gawing wash atea ng mga kababaihan.
Bino: favor hobby namin. hehe!
POPE
Bino: pati pala ang santo papa, nahuhumaling sa amin,..
Bogart: sya ang blogger na nagpapakonsensya sa amin para panatilihing wholesome ito...
LIONHEART
Bogart: ang blogger na mahilig sa adventure...
Bino: sya ang blogger na kinatatakutan namin, lagi syang nagyayaya ng adventure. nakakatakot. hehe!
KLItorika
Bino: ang paborito kong subject na gusto kong matupaad sa future.
Bogart: kahit grad na kami, mageenroll kami pag may ganyang subject. hehe.
FJORDZ
Bogart: ang pinaka mahirap na pangalan na aming nabasa...
Bino: hanggang nagyon, nagtatalo pa din kami kung pano namin ito babasahin, kung pajong ba o pijorge..hehe!
Binobogart:iilan lang yan sa mga blogger na tumatak sa amin, dahil sa madalas na pagdalaw nila.. kaya kayo, dalas dalasan nyo ang pag dalaw.. hehe!
salamat sa inyo,
adios!!!
Posted by -binObogart- at 12:58 AM 8 comments
Friday, April 24, 2009
ASENSADO NA!!
Binobogart: sa mga panahong ito, kaming dalwa ay lubos na nagagalak na nararamdaman na namin unti-unti ang aming pagsikat.
Bogart: na sa una ay hindi naming inakala na matutupad pala ang pangarap namin.
Bino: na sa tuwing nag uupadate kami n aming blog, kaming dalawa lang ang laging naguusap duon sa shout box namin nuon.
Bogart: at sa tuwing pagbalik namin muli sa blog naming ito, ay yung mga mensahe lang padin namin sa isa’t-isa ang syang nakapost.
Bino: pero kita nyo naman, sa ngayon, kapansin pansin na ang pagdami ng mga tumatangkilik ng ka-abnoyan namin.
Bogart: kalain mong patok pala sa masa ang mga pinag gagawa nating mga kalokohan na halos wala naman magandang maidudulot sa kanila kundi ang malaman na pinanganak pala tayong abnoy,
Bino: na masasabi din nating walang maidudulot din sa atin na maganda kundi ang mapahiya tayo sa bawat kalokohan at kawindangang nangyayari sa atin..
Bogart: naalala ko pa nung mga panahong proud tayong mag add ng followers widget, pero 0 followers naman ang nakalagay.
Bino: kalain mong
Bogart: si fjordz ang nanguna sa listahan namin jan…
Bino: naawa siguro sya nung mga panahong nakita nyang wala kaming followers, kaya finollow nya kami.
Bogart: ilang bwan sya naging loner sa follower box namin, bago sya masamahan ng iba pa. kawawa nga sya nun eh, kung maari lang na ifollow namin ang sarili namin upang magkaruon lang sya ng kasama, finollow na namin ang mga sarili namin.
Bino: tig isa pa kami ng bogart.
Bogart: nagyon asensado na kami… may blog log na din kami,
Bino: kailangan namin yun, nainggit kasi kami sa iba pang mga blogger dahil meron sila nun eh, nahiya din naman kami mag lagay agad nung una dahil walang kwenta pa ang blog namin nung mga panahong iyon.,
Bogart: aba ngayon, kailan lang namin nailagay yan, may
Bino: muka kasi syang iphone na widget, kulang na lamang, SMS services.
Bogart: hindi namin alam kung para saan talaga yan eh, bukod sa para magpayabang na madami nang dumalaw ditto sa blog namin, wala na kaming purpose jan…
Bino: haha! Pasensya na sa yahoo blog log.
Bogart: nakakatuwa din na yung iba, kahit hindi nila kami finofollow, nailalagay padin nila ang blog namin sa kanilang blog roll.
Bino: kahit bilang pan display lang, ay na-o-overwhelm kami. Dahil kahit papano, na babahidan kami ng kanilang kasikatan.
Binobogart: kaya naman, nagpapasalamat kami sa inyong madalas na pag balik-balik dito. Balik balik lang kayo, kung sa tingin nyo ay NATUWA kayo sa blog namin, pwede nyo kaming iFOLLOW. Pwede nyo din naman salihan ang blog roll namin,
Bino: wahehe, dumiskarte lang para sumikat lalo…
Bogart: haha! Syempre, o kaya naman, kumoment lang ng kumoment.
Binobogart:salamat sa inyo, asahan nyo na magiging Masaya pa lalo ang mga ipo-post namin…
Posted by -binObogart- at 10:41 PM 2 comments